AlDub pwede pa ring magwagi sa Push Awards ng Kapamilya
Yes, magkakapareho lamang at pantay-pantay ang TV5 at GMA 7 sa kasalukuyang ginaganap na pakontes na Push Awards.
Nasa kamay ng netizens at publiko ang pagpili ng dapat tanghaling Most Loved Newcomer, Favorite Group o Tandem sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.
Ilang pareha na nagkakaro’n ng maigtingang labanan bilang favorite tandem ay ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ng pambatong pareha ng GMA, ang AlDub nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.
Ang resulta ng botohan ay malalaman sa Nob. 10.
TVplus ng ABS-CBN, ‘di kontrolado ang mga signal ng channels
Naintindihan na ng balae kong si Theresa Keene na taga-Las Vegas na wala sa ABS-CBN TVplus box ang problema kaya hindi maganda ang reception ng magic black box niya ng mga palabas ng GMA.
Bilang isang receiver na ginawa para-maka-detect, makatanggap at mag-broadcast ng lahat ng makukuha nitong digital signal saan mang network ito manggaling hangga’t nagta-transmit ang provider ng digital signals. Hindi kontrolado ng ABS-CBN kung paano ipinadadala ng ibang channels ang digital TV signals nila.
Mark hindi pini-pressure si Winwyn
Hindi kinukulit ni Mark Herras si Winwyn Marquez sa panliligaw niya rito. At kahit sinasabi ng Bb. Pilipinas contender kay Mark na hindi pa siya handang makipagrelasyon, hindi niya mapigilan ito na sumama minsan sa lakad nilang magkakapatid para ikampanya ang kanilang inang si Alma Moreno na tumatakbong senador.
Nilalang mukhang nakaswerte kay Cesar
Mukha namang nakaswerte ang pelikulang Nilalang sa pagkakapalit ni Cesar Montano kay Robin Padilla.
Marami ang na-impress sa movie na pinagtulungan nina Pedring Lopez at Troy Montero bilang direktor. Ipapa-preview ito pagdating ni Cesar mula U.S. kung saan ay may inaayos itong movie sa Hollywood.
- Latest