James Reid pinanggigilan ng contributor ng BuzzFeed
MANILA, Philippines – Uy nasa BuzzFeed si James Reid. Isang Pinay fan ang-contribute ng feed na obvious na talagang loyalist sa young actor.
Posted November 6 ang BuzzFeed ni James.
Ipinakita doon kung paano siya nag-start at hanggang maging super successful ang loveteam nila ni Nadine Lustre at ngayon nga ay top rating ang show nilang On The Wings of Love sa ABS-CBN.
Ang title ng Feed : We Need To Talk About James Reid
My body is Reid-y.
Sinimulan ang Feed nung nasa PBB siya, nag-perform sa Cosmo Bachelor 2014 kung saan nahulog pa siya sa stage at pagiging yummy ng actor. Ang kanyang mga pandesal sa katawan, ang galing sa pagkanta at pagsayaw with matching videos.
Kamakailan ay pinag-usapan ang feature ng staff ng BuzzFeed tungkol sa mga Amerikanong nakiki-Pabebe Wave dahil sa kasikatan ng AlDub.
Fans atat na sa continuation ng kuwento nina Basha at Popoy
Ang ganda ng fan made poster ng pelikulang A Second Chance, ang sequel ng 2007 hugot film nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo na Second Chance.
Mukhang sabik talaga ang marami sa continuation ng kuwento ng Second Chance.
Naalala ko ang kuwento ng isang ka-gym ko na sa sobrang pagka-in love niya sa nasabing pelikula, ipinangalan pa niya ang character nina Bea at John Lloyd na Basha at Popoy sa kanyang mga aso.
Showing na this November 25 ang A Second Chance at dinirek pa rin ni Cathy Garcia-Molina.
Wang fam may outing sa EK
May ‘outing’ ngayong araw ang buong cast ng latest obra ni Direk Wenn Deramas na Wang Fam starring Pokwang, Benjie Paras, Yassi Pressman and Andre Paras for Viva Films. Nasa Enchanted Kingdom ang buong cast kung saan sila manggugulat sa mga namamasyal sa EK.
Ganap na 5:30 ng hapon magsisimula ang parade of Wang Fam cast kasama ang EK Mascots. Susundan ito ng Katakot-Takot Flash Mob at 6:00 p.m. at highlight ang gaganaping mini show.
Sa susunod na Wednesday na ang showing ng movie, November 18.
Aliw ang kuwento ng Wang Fam kung saan gumaganap si Pokwang (Malou) bilang last virgin ng kanilang aswang clan na itinadhanang magsakripisyo para makapagpatuloy ang kanilang lahi. Pero bago pa simulan ang sakripisyo, makikilala niya si Bu Wang (Benjie) na isang botanist. Magkaka-inlaban sila at nagkasundong magkaroon ng sariling pamilya na malayo sa aswang clan ni Malou (Pokwang).
At magkakaroon sila ng tatlong anak : Duke Wang (Andre Paras), Calla Wang (Abby Bautista) and Vey Wang (Alonzo Muhlach), lilipat sila ng lugar na tirahan kung saan nila makikilala si Sera (Candy Pangilinan); ang maingay na landlady na ang kanyang anak na si Elenita (Yassi Pressman) ay nakikipag-ayos na kay Duke.
Pero susubukan ng Wang Family na mamuhay ng normal. So mabuking kaya sila sa kanilang lihim?
Nauna nang sinabi ni Direk Wenn na matagal na ang kuwento nito pero hinintay nila si Pokwang na mabakante dahil sa kanya lang nababagay. “I believe in good timing. I cannot imagine this film without the presence of Pokwang so I had to wait until she is free to work with us. It’s easy to tie up comic sequences with her around. She has a way of blending with the comedy ensemble and she has a new way of contributing new ideas that will make new situations work,” sabi ni Direk Wenn sa interview sa kanya sa ginanap sa presscon ng pelikula kamakailan.
Isang comedy-horror ang Wang Fam na latest movie ni Direk Wenn na aminadong sa kabila nang kanyang pagpapatawa, pang-teleserye ang kanyang buhay noon.
- Latest