^

PSN Showbiz

Kinatatakutan dati ng pamilya buhay ng matalino at guwapong actor isinalba ng bagong karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming masaya para sa isang aktor na dati’y malapit nang tumira sa kalye dahil sa pagsuko ng kanyang pamilya sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan. Naging sakit siya ng ulo ng kanyang mga kamag-anakan dahil sa kanyang pagbibisyo.

Matindi ang pagiging pasaway nu’n ng matalino pa naman sana at guwapong aktor, hindi siya marunong sumagot ng hindi sa mga kaibigan niyang mabisyo, kaya ang nangyari ay nagpakalulong na rin siya sa bisyong sumira sa kanyang career.

Kuwento ng aming source, “Ang ganda-ganda pa naman ng image ng family niya, pero dahil sa kanya, nagkaroon ng mantsa ‘yun. Sayang na sayang siya, talented pa naman siya at puwedeng isalang sa kahit anong linya.

“Nu’ng kasalukuyan pa siyang nahihibang sa bisyo, e, naging malaking sakit ng ulo siya ng kanilang pamilya. Dahil sa kinahiligan niyang bisyo, wala na siyang kinikilala at nirerespeto, katalo na ang lahat sa kanya.

“Isang umaga, e, bigla na lang nawala ang alagang aso ng sister niya. Mahal na mahal ng bata ang aso, parang tao kung ituring ng kapatid niya ‘yun, kumakahol pa nu’ng umaga, pero nu’ng bandang hapon na, wala na ang aso.

“Buti na lang at kaibigan din nila ang pinagbentahan ng aso ni ____(pangalan ng aktor na mula sa pamilya ng mga kilalang personalidad), nabawi rin nila ang dog, binayaran na lang ng family ang pinagbentahan niya.

“Wala siyang pinatatawad nu’n, kaya ang family niya, hitsurang mga praning na tago nang tago ng mahahalaga nilang kagamitan. Bumili sila ng mga padlock para hindi manakaw-maibenta ng kapamilya nila ang mga stuff na pinakaiingatan nila,” pag-alala ng isang impormante.

Pero isang araw ay sumalpok nang pagkalakas-lakas sa pader ang ulo ng magaling na aktor, nagising siya sa katotohanan na walang magandang mangyayari sa buhay niya kapag ipinagpatuloy pa rin niya ang pagdodroga, sa kanyang pagbabago ay nakatalisod pa siya ng isang mina ng ginto.

‘Yun ang babaeng karelasyon niya ngayon na mula rin sa pamilya ng mga sikat na pesonalidad. Naging salbabida niya ang nasabing babae tungo sa kanyang pagbabagong-buhay.

Ubos!

Gloria Romero wala pa ring kupas

Isang malaking karagdagan sa kalyeserye ang pagpasok sa istorya ni Tiya Bebeng, ang tiyahin ng tatlong napapanahong lola na sina Lola Nidora, Lola Tinidora, at Lola Tidora, na ginagampanan naman ng magagaling na komedyanteng sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

Ang magaling na beteranang aktres na si Ms. Gloria Romero ang ngayo’y pinagpipistahan nang si Tiya Bebeng ng kalyeserye. Sa kabila ng kanyang pagkakaedad ay napakaganda pa rin ni Tita Glo, mahusay umarte, walang pagbabago ang kanyang ganda at talento.

Bakit ka naman hindi maaaliw kay Tita Glo, nakipagsabayan siya sa pakikipag-dubsmash sa mga mahal na lola ng ating mga kababayan, wala pa ring kakupas-kupas ang isang Gloria Romero ng lokal na aliwan.

Ang kumpletong pangalan ni Tiya Bebeng sa kalyeserye ay Donya Paquita Bebeliana Explorer na may Twitter account na rin at pagkatapos lang nang ilang minuto ay may 1,500 followers na agad-agad!

Kulturang Pilipino rin ang bitbit ni Tiya Bebeng, nu’ng kanyang panahon daw ay umaabot nang labinglimang taon ang ligawan, kinuwestiyon din niya kung bakit nanghaharana si Alden Richards nang tanghaling-tapat?

Sinermunan niya rin ang mga lola kung bakit pinaliligawan na agad si Yaya Dub (Maine Mendoza), puring-puri niya naman ang kanyang apo sa tuhod dahil sa pagsusuot nito ng mahabang damit, hindi raw kasi dapat ipinakikita ng mga kababaihan ang kanilang legs.

Panibagong aliw ang hatid sa kalyeserye ni Tiya Bebeng, napakaganda ng kumbinasyon nila ng mga mahal nating lola, panalung-panalo na naman ang Eat Bulaga sa pinakabagong ikot ng kuwento ng istorya sa kalye na pinakaaabangan ng mga Pinoy dito at sa iba’t ibang dako ng buong mundo.

ACIRC

ALIGN

ANG

GLORIA ROMERO

KANYANG

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

STRONG

TIYA BEBENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with