Alden walang tinatanggihang trabaho
Wala talagang kapaguran si Alden Richards sa kanyang sangrekwang commitments ngayon pero hindi siya nagrereklamo at sa halip ay nagpapasalamat sa patuloy na blessings na dumarating sa kanya.
Kahit si Alden mismo ay nao-overwhelm sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.
Hangga’t kaya ng katawan ni Alden ay ayaw niyang tumanggi sa offers at projects na dumarating pero marami ang nakakapansin na malaki ang ipinayat nito.
Kailangan na rin sigurong i-program maigi ng handler ni Alden (ang GMA Artist Center) ang kanyang schedule at mga project na tinatanggap dahil baka bumigay ang katawan nito sa sobrang dami ng trabaho at halos wala na siyang pahinga.
Sa kabila ng pagiging super busy ni Alden ay nakuha pa rin nitong daluhan ang debut party ng kanyang kaibigan at kasamahan sa Kapuso Network na si Bea Binene last November 3 na ginanap sa Manila Hotel.
Vilma mahusay na pulitiko kahit ‘di naka-graduate
Hindi man nakapagtapos sa kanyang pag-aaral ang Star for All Seasons at outgoing Batangas Governor na si Vilma Santos, hindi ito naging hadlang sa kanyang impressive na pamamahala as public servant sa Batangas.
Lumulutang ang kanyang pangalan bilang pangalawang pangulo bago nagkapilian at maging sa pagiging senador pero ang mga ito’y kanyang tinaggihan dahil mas gusto niya ang lokal na pamamahala kaya sa kongreso ang kanyang next target pagkatapos ng termino nito bilang governor ng Batangas.
Ang eighteen years on the job training ni Gov. Vi bilang isang local official ay hindi puwedeng matawaran bukod pa ito sa kanyang lifetime public service and political mentor, ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto.
- Latest