^

PSN Showbiz

Aktor na sikat, naniningil na ng additional na bayad pag lumampas sa oras ang show

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sosyal ang aktor na binayaran ng kalahating milyon piso para sa sandaling performance.

Richie rich ang businessman na kumuha sa serbis­yo ng aktor dahil makakatulong ito sa kanyang negos­yo kaya hindi siya tumawad, kahit sinabi ng manager ng talent na may additional payment kapag lumampas sa oras ang show.

Hindi binarat ng businessman ang talent fee ng aktor dahil sikat ito at malakas ang hatak sa masa. Correct na correct ang gut feel ng businessman dahil dinumog ng fans ang aktor nang umakyat ito sa stage.

Sarah nadagdagan ang good vibes

Blooming si Sarah Geronimo nang umapir siya kahapon sa presscon ng From The Top, ang concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa December 4.

Malaki ang kinalaman ng lovelife ni Sarah sa kanyang blooming beauty at good vibes. Iba talaga kapag in love ang isang tao dahil ayon nga sa singer na si Sitti na nagpakasal noong May, mas may kabuluhan ngayon ang kanyang buhay mula nang mag-asawa siya.

Huling laban ni Pacman inuungot na gawin naman sa ‘Pinas

Hindi nag-iisa si Congressman Manny Pacquiao sa wish nito na idaos sa Pilipinas ang huling boxing fight niya sa April 2016.

Hoping din ang fans ng Pambansang Kamao na magaganap sa Pilipinas ang kanyang last hurrah para makapanood sila at maranasan nila ang excitement na nararamdaman ng mga nagpupunta sa Las Vegas sa tuwing may laban si Papa Manny.

Handa nang magretiro si Papa Manny sa boxing kaya may possibi­lity na pagbigyan ang kanyang request. Sayang naman ang pagiging boxing superstar niya kung dededmahin ang wish niya na maganap sa Pilipinas ang kanyang last fight.

Hindi na problema ang lugar na puwe­deng pagdausan ng huling laban ni Papa Manny dahil nandiyan ang 55,000-seater na Philippine Arena.

Kung umapaw sa tao ang Philippine Arena sa premiere night ng Felix Manalo noong October 4 at walang bakanteng silya sa Tamang Panahon show ng Eat Bulaga noong October 24, walang dahilan para hindi mapuno ni Papa Manny ng audience ang world’s largest indoor arena sa kanyang retirement game.

Ibang mga pumapasok sa NAIA, kamangmangan ang pinaiiral

Araw-araw na headline ng mga diyaryo, radyo at news program sa  TV ang mga insidente ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport pero ma­ra­mi pa rin ang nahuhuli na may bitbit na bala sa kanilang mga bagahe.

It’s either hindi nagbabasa ng mga diyaryo at nanonood ng TV ang mga biktima o kung may sindikato man sa NAIA, naimbyerna sila kaya lalong na­ging aktibo sa kanilang illegal activities.

Kadalasan, umiiral din ang kamang­mangan sa mga pumapasok sa NAIA tulad ng misis na nagpainterbyu sa isang  television news program na ipinagmalaki pa na agimat at proteksyon  niya ang bala na nakuha sa kanyang pag-iingat dahil sinasaniban siya ng espiritu ng ibang tao.

Kaloka ang kanyang katwiran ‘di ba?

Hindi nga siya sinasa­ni­ban ng kung anumang espi­ri­tu na kanyang sinasabi pero may court case naman siya da­hil sa pahamak na bala na bitbit niya, alin ngayon ang mas nakaka-trauma?

Hindi ko talaga ma-take ang pralala ng ibang mga tao na agimat nila ang mga bala. Agimat saan? Nakakamatay ang bala ‘no? May nabalitaan ba kayo na bala na nakabuhay?

ACIRC

ALIGN

ANG

KANYANG

LEFT

MGA

PAPA MANNY

PHILIPPINE ARENA

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with