^

PSN Showbiz

Solenn matutuloy na ang painting exhibit

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dami palang alam ni Solenn Heussaff. Bukod sa pagiging isa sa may pinakamagandang mukha at katawan sa local showbiz, isa rin siyang bihasang make-up artist at musikera.

Bukod sa nakakanta siya ay marunong ding tumugtog ng musical instrument.

Gumagawa siya ng album na nakatakdang ilunsad early next year. Malalaman din ng lahat na isa siyang pintor. Nakatakda siyang magdaos ng exhibit sa unang buwan ng 2016. Makikita rito ang 30 art pieces na nagawa na niya kasama ang ilang kasangkapan sa bahay na resulta rin ng mahuhusay niyang kamay.

Hay, ano pa kaya ang hindi kayang gawin ng artista at TV host na ito?

Dennis nagsawa sa pagpapaiyak

Napapagod na raw si Dennis Trillo sa paggawa ng drama. Gusto naman daw niya ay ibang role. Comedy kaya ang ibig niyang sabihin o aksyon? Pero matatanggap ba siya ng mga tagasubaybay niya sa ganitong role?

Baka sa aksyon dahil minsang nanalo na siyang best actor sa ginawa niya for Cinemalaya movie.

Sana nga mapagbigyan siya ng mga prodyuser na kukuha sa kanya. At tayo ring mga manonood sa kanya.

JC magaling magluto ng burger

Nagluluto na rin pala si JC de Vera sa kanyang burger house sa Parañaque. ‘Di ko alam na kumuha pala siya ng culinary arts. O baka naman talagang type niya lang maging chef? With his busy sked, I doubt kung maisisingit niya ang pag-aaral ng pagluluto.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BUKOD

CINEMALAYA

DENNIS TRILLO

GUMAGAWA

MAKIKITA

MALALAMAN

NAGLULUTO

NAKATAKDA

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with