^

PSN Showbiz

Rachelle nanghingi ng tulong para ibotong best performance sa West End Awards!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nominado si Rachelle Ann Go para sa Best Performance in a Long-Running West End show sa gaganaping 2015 Broadway World UK/West End Awards.

Kasalukuyang gumaganap bilang Fantine si Rachelle sa Les Miserable sa Queens Theatre sa London.

“Sana po sa lahat ng mga Pinoy, suportahan po ninyo ako. Sana po ay iboto po ninyo ako. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta,” pakiusap ni Rachelle Ann sa kanyang  video blog.

Kasama rin si Rachelle Ann sa magtatanghal na Les Miserables Australia sa bansa next year.

“At next year, I’m coming home to do Les Miserables so I’ll see you soon guys,” pahayag pa ni Rachelle Ann.

Ito na ang chance ng mga adik sa social media. Magiging proud ang buong bansa pag nanalo si Rachelle Ann.

Puwedeng iboto si Rachelle para sa 2015 Broadway World UK Awards sa broadwayworld.com  hanggang November 15.

As of yesterday, pumapangalawa si Rachelle Ann sa current standings at mahigpit niyang kalaban na nasa no. 1 ang kasama niya sa Les Miserables na si Carrie Hope Fletcher.

Pangako... nakikipagsabayan na sa millions ng AlDub

Sunud-sunud na millions na rin ang daily tweets ng pelikulang Everyday I Love You and Pangako Sa’yo. Hindi na sila nagpapahuli sa AlDub. Ang Pangako… last Monday night, naka-3 M ang tweets. Maging ang On The Wings of Love, laging naka-million din ang tweets.

Pero nagre-react ang ilang member ng AlDub Nation na may ginagamit daw application ang PSY kaya ganun na rin kalaki ang tweets ng PSY at pelikulang Every­day…

Ang importante kasi talaga nga­yon ay mag-trend kahit pa may application o wala.

Pero siyempre hawak ng AlDUb ang world breaking record na 40M tweets.

Sa araw kasi talagang na­ma­ma­yagpag sa Twitter ang AlDub pero pagdating sa gabi pukpukan ang labanan ng PSY at OTWOL.

Kaya talagang ang fans lite­ral na maghapon busy sa kaka-tweet na malamang ay ikinatataka ng buong mundo dahil sa sobrang addiction ng mga Pinoy sa social media habang kabi-kabila ang balita sa laglag-bala sa NAIA nanakakasira sa imahe ng bansa.

Pero ang isang sigurado rito, ang mga internet provider at telecommunication company ang tiba-tiba sa kasipagan ng Pinoy fans na mag-social media.

KC mas abala sa trabaho sa UN kesa sa career

Sa trabaho sa United Nations (UN) pala abala si KC Concepcion. Sa kanyang Instagram account ay ibinalita niya na nag-voice over siya para sa darating na climate change conference sa Paris ng UN. Ambassador for the United Nations World Food Programme si KC.

Nauna rito ay nakasama si KC sa mga pinara­ngalan bilang Outstanding Filipino Americans in New York.

Lately ay walang regular program si KC sa ABS-CBN.

ACIRC

ANG

ANG PANGAKO

BEST PERFORMANCE

BROADWAY WORLD

CARRIE HOPE FLETCHER

LES MISERABLES

PERO

PINOY

RACHELLE

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with