Luis tanggap si Angel kahit hindi sila magkaanak?!
Aba malaking balita kapag ngayon na nagpakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin. Ito ay sa kabila na may posibilidad na hindi sila mabiyayaan ng anak dahil sa problema sa spine ni Angel.
Kapag natuloy ang kasalan sa kabila ng kinakaharap nilang problema sa pagkakaroon ng anak, batiin na lamang natin sila sa pagpapakita ng isang tunay na pag-ibig.
AlDub fans sanay nang mang-away
Pakiusap lang sa fans ng AlDub, huwag n’yo nang gambalain at i-bash ang mga dating nakaibigan ni Alden Richards bago dumating sa buhay niya si Maine Mendoza, tulad na lang ni Louise delos Reyes.
Mga nakatrabaho lang sila at kahit pa siguro ex sila ni Alden, walang karapatan ang AlDub fans na guluhin sila, lalo’t wala pa namang romansa ang namamagitan sa dalawa. Maliwanag ba?
- Latest