Piolo ayaw makisawsaw sa career ni Iñigo
Eighteen years old na ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual kaya mas madalas na raw na magkasamang lumalabas ang dalawa.
Nagkakaroon kaya ng pressure kay Piolo ngayong maituturing nang adult ang anak? “More than the pressure, it’s the excitement for both of us because now that he’s an adult, I can level with him more. So we both go out together. I take him with me. I can level with him more. So mas maluwag na for us to level with each other,” bungad ni Piolo.
Excited na rin daw ang aktor na magkaroon ng kasintahan kapag nagkaroon na ng karelasyon si Iñigo. “I’m excited for him to have a girlfriend. I’m excited for me to be with someone but ‘yun nga wala pang oras eh. It will come in the perfect time and with the perfect person,” pagtatapat ni Piolo.
Marami-rami nang mga proyektong ginagawa ni Iñigo ngayon pero ayon kay Piolo ay hindi raw siya ang nagdedesisyon para sa anak. “I never meddle, lalaki naman ‘yan eh and besides I started out in this business and I made my own decisions. So you have as a guardian, si Erickson Raymundo (manager ni Iñigo), nandiyan ang Star Magic, Mr. M (Johnny Manahan), he has his mom as well. So makikisawsaw pa ako. Paano na ang desisyon ng bata, ang daming nagde-decide for him.” paliwanag ng aktor.
“For me, I want him to concentrate on what he really wants to do. Siyempre hindi mo maiaalis na medyo excited ‘yung bata, na gusto niya gawin lahat but I told him na to try on things na sa tingin niya makakapagpaganda ng ugali niya. Para from there if we can hone whatever skills he has, do’n siya mag-focus,” dagdag pa niya.
Richard hindi pinaghihigpitan si Juliana sa mga manliligaw
Abala si Richard Gomez para sa taping ng teleseryeng You’re My Home. Ayon sa aktor ay nauunawan na raw ngayon ng anak nila ni Lucy Torres na si Juliana kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga magulang bilang artista. “Well siguro she grew into this kind of environment na ito ang trabaho ko. So my daughter understands fully kung ano ang ginagawa ko,” pahayag ni Richard.
Samantala, hindi raw paghihigpitan ng aktor ang anak kung sakaling may mga manliligaw na ito. “As a father, I hope wala pa but I’m sure baka merong umiikut-ikot sa tabi. Kasi you know, 15 (years old). I have to be protective of our Juliana. I have to be very careful as well na hindi ko naman siya masyado sasakalin. I give her, her freedom. I understand when she has to entertain her classmates and friends. So I say bring them at home. It’s important for me also na makilala ko ‘yung mga friends niya. It’s important for parents na alam mo sino ba ‘yung nakakasama ng anak ko,” giit ng aktor.
- Latest