^

PSN Showbiz

Pangalan ni Ninoy Aquino nasisira na sa laglag-bala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakapagduda na ang mga insidente ng tanim-bala at laglag-bala na nangyayari sa Ninoy Aquino International Airport.

Mainit na mainit ang isyu tungkol sa laglag-bala pero nangyayari pa rin ito sa NAIA. Parang sinasadya nang taniman ng bala ang mga inosenteng pasahero para hiyain ang administrasyon ni P-Noy, lalo na ngayon na papalapit ang APEC Summit na gaganapin dito sa bansa natin sa November 18.

Napanood ko ang television news report sa matandang babae na pupunta sa Singapore para panoorin ang laro ng kanyang apo pero hindi nakaalis dahil nahulihan ng bala sa bag niya.

Nakumpirma ang suspetsa ko na mga senior citizen at mga dayuhan ang target ng laglag-bala gang dahil madali silang takutin.

Mabuti na lang, palaban at marunong ang anak ng biktima dahil tinawagan agad nila ang kanilang legal counsel.

Nagmumukha nang katawa-tawa ang Pilipinas at ang NAIA sa buong mundo dahil sa mga litrato ng mga pasahero na bitbit ang mga maleta na binalutan ng plastic para hindi malagyan ng bala sa airport.

Malaki ang epekto sa tourism industry ang mga insidente ng laglag-bala dahil natatakot na dumalaw sa Pilipinas ang mga turista at hindi natin sila masisisi. Bakit nga ba sila magbabakasyon sa bansa natin kung mas malaking problema ang makakaharap nila?

Sirang-sira na ang imahe ng ating international airport na ipinangalan pa naman sa tatay nina P-Noy at Kris Aquino. Sa tuwing binabanggit tuloy ang name ni Ninoy, ang worst airport sa mundo at ang mga insidente ng laglag-bala ang unang pumapasok sa isip ng mga turista.

Sen. Grace at Pacman dapat palakpakan sa pakikialam sa laglag-bala

Nanawagan kahapon si Senator Grace Poe kay MIAA General Manager Angel Honrado na dapat nitong pahintuin sa loob ng isang linggo ang mga insidente ng tanim-bala or else, magbitiw na siya sa tungkulin.

Agree ako sa panawagan ni Mama Grace dahil marami na ang mga inosenteng pasahero na nagiging biktima ng laglag-bala at tanim-bala gang.

Walang kinalaman sa showbiz ang isyu pero nakikisawsaw ako dahil Pilipino ako na may malasakit sa kapwa at sa bayan ‘no! Puwedeng mangyari sa akin at kahit kanino ang mga naging biktima ng laglag-bala gang na matagal nang nangyayari pero ngayon lang pumutok nang husto dahil may naglakas-loob na magsalita at magreklamo.

Magpasalamat tayo dahil may mga katulad nina Mama Grace at Congressman Manny Pacquiao na nagpapakita ng malasakit at handa na magbigay ng tulong sa mga biktima ng laglag-bala.

Alden hindi puwede sa iba, fans laging nakaamba ang bashing

May request ang fans ni Alden Richards sa GMA 7 management na i-replay ang mga teleserye na pinagbidahan niya noon ang Carmela at ang Ilustrado.

Why not? Kung nagagawa na ibalik at ipalabas uli ang mga hit na old Koreanovela, bakit hindi ang mga teleserye na tinampukan ng super sikat ngayon na si Alden?

Tiyak na magri-rate ang mga replay ng mga teleserye ni Alden, kahit ilagay ito sa pang-hapon dahil siya ang hottest actor ngayon.

Hindi pa pagseselosan ng fans ni Alden si Marian Rivera dahil mahirap na hanapan si Alden ng leading lady. Siguradong magiging biktima lamang ng bashing ang sinuman na ipapareha kay Alden maliban kay Maine Mendoza.

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BALA

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

GENERAL MANAGER ANGEL HONRADO

KRIS AQUINO

LAGLAG

MAMA GRACE

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with