Pinay group pasok sa top 11 ng X Factor UK
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang byahe ng Pinay group “4th Impact” sa British reality talent show "X Factor UK.
Kabilang ang 4th Impact sa top 11 ng kompetisyon na napagdesisyunan Linggo ng gabi sa United Kingdom (Lunes sa Pilipinas).
Natanggal sa kompetisyon si Bupsi Brown mula sa Over 25 catergory dahil siya ang may pinakamababang boto.
Nagpaalam na rin ang girl group na Alien Uncovered (group category) matapos ang kanilang sing-off ng Kiera Weathers.
Binubuo ang 4th Impact (dating 4th Power) nina Mylene, Celina, Irene at Almira Cercado na kinanta ang “Problem” ni Ariana Grande sa una nilang live performance.
Mula sa auditions ay napabilib na ng mga Pinay ang mga judges.
Narito ang ilan sa kanilang mga performance:
- Latest