^

PSN Showbiz

Sawsawerang female personality pinapayuhan munang maglinis ng katawan bago maki-epal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakabit na sa balat ng isang aktres-TV host ang pagiging sawsawera sa lahat ng mga isyung nagaganap hindi lang sa showbiz kundi pati sa ating lipunan.

Siguro nga’y palaging nangangati ang kanyang mga kamay, siguro nga’y dikta nang dikta ang bumubulong sa kanyang tenga para makihalo siya sa kahit anong nangyayari sa kanyang kapaligiran, kaya palagi siyang may opinyon.

Una, malaking senyal ‘yun na walang ibang pinagkakaabalahan ang aktres-TV host. Marami siyang sobra-sobrang panahon, naiinip siguro siya nang walang ginagawa, kaya sa halip na wala siyang saysay ay sawsaw na lang siya nang sawsaw sa maiinit na isyung pinag-uusapan.

Payo sa female personality ng isang naiinis na tumututok sa kanyang account sa social media, “Bakit hindi siya mag-aral magluto? Mag-enrol siya sa isang cooking school, mag-aral siyang mag-bake ng cake, manahi siya, magpinta at kung anu-ano pang makabuluhang bagay para hindi siya nagkakaganyan!

“Kapag may nag-occupy na sa isip at panahon niya, e, hindi na siya kakatihing makisawsaw nang makisawsaw sa mga isyung pinag-uusapan. May iba na kasi siyang paggagamitan ng oras niya, ma­lilibang na siya,” opinyon nito.

Pa-profound daw kasi ang aktres-TV host. Gusto niyang ipaalam sa buong mundo na matalino siya at maraming alam. Politics? May alam siya!

“Kulang kasi siya sa recognition. Walang pumapansin sa kanya. ‘Yun lang naman ang gusto niyang patunayan, matalino siya, hindi siya napag-iiwanan, mulat siya sa lahat ng nangyayari sa ating bayan.

“E, kung ganu’n pala siya katalino, bakit hindi siya binibigyan ng magandang project ng network niya? Nu’ng minsang mapasama siya sa isang show, nawala rin naman agad, hindi tuloy niya naipagyabang na matalino siya!

“Bago niya pakisawsawan ang mga issue, e, pag-aralan niya muna ang ibig sabihin ng hygiene. Ang dumi-dumi kaya ng katawan niya, nanggigitata ang mga kuko niya!” inis na inis na sabi pa ng isang source.

Ubos!

‘Di gumaya kay Shaina Vina ang cheap, nakikipag-agawan sa lalaki!

Sana’y magkita na lang isang araw nang personal si Vina Morales at si Avi Siwa na kaagawan niya sa isang lalaki. Mas maganda siguro kung magpapalitan sila ng opinyon nang harap-harapan kesa naman sa itinitinda pa nila ang kanilang mga baho sa publiko.

At ang nakakahiya pa ay isang lalaki lang ang pinag-aawayan nila. Para silang mauubusan ng lalaki sa mundo sa paglalabas nila ng mga ebidensiya kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakilala ng Marc Lambert na pinag-aawayan nila.

Pagkatapos ng kanilang relasyon ni Cedric Lee na ama ng kanyang anak ay matagal na nanahimik si Vina. Pero nang lumantad siya sa pagsasabing meron na siyang bagong karelasyon ay ito naman ang kanyang inabot, ang guluhin-sira-siraan ng isang babaeng naanakan pala ng French guy na karelasyon niya, at sa social media pa sila nag-aaway ngayon.

Ipinipilit ni Vina na matagal na silang magkakilala ng lalaki, ayon naman sa kanyang kaagawan ay mas nauna raw ito, nakakahiyang pagtatalo dahil buong mundo pa ang nakakasaksi sa pag-aagawan nila sa isang lalaki lang.

Wala ring suwerte sa pakikipagrelasyon si Vina Morales. Sa isang panahong akala niya’y heto na ang tunay na pagmamahal ay may kahati naman pala siya.

Sana’y maging busy na lang sa kanyang career si Vina Morales para hindi na niya bigyan ng panahon ang pakikipagtaltalan sa social media na nakasisira lang sa imahe niya.

Sa pagdadala ng relasyon, naturingan mang mas bata si Shaina Magdayao, ay mas maganda itong humawak. Malaki ang milagrong nagagawa ng pananahimik lang.

ACIRC

ANG

AVI SIWA

CEDRIC LEE

HINDI

ISANG

KANYANG

LANG

NIYA

SIYA

VINA MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with