KC malabong maging Darna, Liza mas malakas ang laban
Bago pa binitawan ni Angel Locsin ang pag-remake muli ng Darna para sa ABS-CBN ay sinabi na ni KC Concepcion na interesado siya sa role. Kaya nga puspusan ang ginagawa niyang pagpapapayat para lumiit ang kanyang katawan at bumagay sa kanya ang costume ng nasabing heroine.
Ito ay bago pa lumabas ang pangalan ni Liza Soberano na interesado rin sa role, pero lubhang mahiyain para makipagkumpitensya para sa proyekto.
Ngayong pumatok ang Everyday I Love You ay baka maungusan na ni Liza si KC.
Watermark burado na, drawing ng AlDub ninakaw?!
May apo ako sa pinsan na nagngangalang Karlo Patricio Rodriguez who works in the provincial capitol of Camarines Sur sa Bicol. Nag-text ito sa akin para lamang magtanong kung bakit hindi man lamang in-acknowledge ng BBC at GMA ang drawing niya ng AlDub na kinuha nila sa Facebook account niya at bahagi ng exhibit ng grupo nilang guhit.pinas.
May watermark ng pangalan niya ang drawing pero nawala sa published version. Hawak niya ang orihinal na drawing.
Tinatawagan ko ng pansin ang BBC at GMA na hindi na humingi ng pahintulot para magamit ang drawing at tinanggal pa ang pangalan ng gumawa nito.
Boboy Syjuco ayaw magpahinga
Sa maraming presidentiables na tumatakbo sa kasalukuyan ay nabigyan ako ng pagkakataon na makausap ang isa sa kanila, si Boboy Syjuco na bagay na bagay ang tawag sa kanyang The Angry Filipino dahil talagang galit na galit siya sa mga nagawa at hindi nagawa ng administrasyong P-Noy.
Sa gulang na 73 dapat ay nag-i-enjoy na lamang siya kasama ang kanyang pamilya. Wala na siyang pangangailangan sa buhay. He has nothing to gain by running but everything to give. Pagbibigyan niya ang imbitasyon ng COMELEC na dumalo sa isang pulong sa Nob. 9 para ipagtanggol ang kanyang kandidatura na itinuturing niyang his greatest service to his country. Patutunayan din niya na kuwalipikado siya at hindi isang nuisance candidate.
May ambag na ang dating Congressman na nanungkulan ng 3 termino at nagsilbing chairman ng Committee on Suffrage & Electoral Reforms at umupo rin bilang chairman ng TESDA.
Kiefer may pag-asa kay Alyssa
Kapag nagwagi ang sikat na basketbolistang si Kiefer Ravena sa kanyang panliligaw sa sikat ding volleyball player na si Alyssa Valdez, makakagawa sila ng isang loveteam sa larangan ng sports. Ang dami nang dumayo sa Tonight With Boy Abunda nang ianunsyo ng programa na magiging guest ang dalawa.
Hindi naman nila binigo ang kanilang supporters na pumunta ng studio at maski ‘yung nanood sa kanilang mga bahay nang aminin ni Kiefer on national TV na nanliligaw siya kay Alyssa, pero sinabi ng dalaga na hindi pa niya sinasagot ang kapwa niya Atenista.
Pero sa naging takbo ng interview sa kanila ng King of Talk, mukha namang hindi mabibigo si Kiefer sa kanyang layunin kay Alyssa.
Mga tagpo parang pang-finale na, Pangako Sa ‘Yo matatapos na?
Pinakamagandang episode na marahil ng seryeng Pangako Sa ‘Yo ‘yung epsiode nung Biyernes kung saan nagkaro’n ng matinding komprontasyon hindi lamang sina Amor Powers (Jodi Sta. Maria) at Claudia Buenavista (Angelica Panganiban) kundi sina Eduardo Buenavista (Ian Veneracion), Angelo (Daniel Padilla), Inna (Kathryn Bernardo) at ang character na ginagampanan ni Bernard Palanca, ang nagsilbing hitman ni Claudia.
Walang itulak kabigin sa kanilang pag-arte. Marami tuloy ang nagtatanong kung matatapos na ba ang serye kasi ang mga ganun katinding tagpo ay pang finale lamang.
- Latest