Kahit walang buhok Boy Abunda gumagamit ng shampoo at conditioner
Nakakatawa, pero hindi dapat pagdudahan ang sinabi ng partner ni Boy Abunda na si Bong Quintana na kahit walang buhok ang sikat at magbi-birthday na TV host ay meron pa rin itong ginagamit na shampoo at conditioner sa kanyang banyo. Hindi naman marahil sinabi ito ni Bong para siraan ang kanyang partner kundi para ipakitang may kaibahan ito sa marami.
Hindi naman nakaramdam ng pagkapahiya si Boy, manapa’y natuwa ito sa limang taong, kasama na ang partner niya na nagbigay ng pahayag para sa kanyang kaarawan. Ang apat pa ay sina Sharon Cuneta, Billy Crawford, at Coleen Garcia, Kris Aquino, at Karen Davila.
Masaya ang TV host sa pagsapit ng isa pa niyang kaarawan. Isang taon na nang magkaroon siya ng mabigat na karamdaman na kinailangan niyang manatili ng ospital at magpahinga. Kaya nagbawas siya ng trabaho at ngayon ay mayroon ng magandang kalusugan at nakakayang dalhing mag-isa ang pagiging host ng Tonight with Boy Abunda na nagsilbing araw ng isang grupo ng supporters at fans niya na tinatawag niyang Abundance.
Sarah at Matteo gusto lang talagang magkanya-kanya
Marahil ay hindi naman totoo ang tsika na nagkakalabuan na ang magdyowang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Maliban sa bihira silang magkasamang dalawa at pagbabawal kay Matteo na magsalita tungkol sa kanyang nobya ay magkahiwalay ang karera nila, kanya-kanya sila.
Bago mag-Pasko ay mayro’n silang magkahiwalay na concert, pero hindi nila guest ang isa’t isa. Maski na sa debut album ni Matteo ay hindi si Sarah kundi si Regine Velasquez ang ka-duet niya. Nakapagtataka ba kung matsismis silang nagkakalabuan dahil mas madalas pang makita si Matteo na kasama ang ibang babaeng artista tulad ni Shaina Magdayao na kapareha niya sa isang serye ng Cinema One na pinamagatang Single/Single?
Enrique gagastusan ang pamilya ni Liza sa Paris
Akala ko naman silang dalawa lamang ni Enrique Gil ang magkakasama sa pagpunta sa Paris Disneyland para sa 18th birthday ni Liza Soberano na birthday gift ng ka-loveteam. ‘Yun pala, kasa-kasama nila ang pamilya ni Liza, ang mom nito, isang tiyahin, make-up artist at ang little brother niya na siya naman talagang gusto niyang madala sa nasabing amusement park.
Sa panig naman ni Enrique ay kasama ang mom at sister niya.
Si Liza lang kaya ang iti-treat ni Quen at ang iba nilang guest ay kanya-kanya na ng bayad?
Garie may album na Pangarap ng anak ni Gabby natupad
Natuloy na rin ang pagiging singer ni Garie Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Matagal na itong dream ni Garie, pero ngayon lang nabigyan ng katuparan sa Warner Music Philippines sa pamamagitan na isang self-titled debut album na may limang tracks.
May isang kanta sa loob na ginawa si Garie kasama ang isa pang composer. Close si Garie sa dalawa pang anak ni Gabby na sina KC Concepcion (kay Sharon Cuneta) at Chloe (kay Jenny Syquia).
- Latest