^

PSN Showbiz

Jennylyn hindi naniniwala sa forever nila ni Dennis?!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang fresh na Jennylyn Mercado ang bumungad sa press kahapon sa set ng My Faithful Husband.

Hindi halatang ngarag si Jen sa araw-araw na pagtatrabaho dahil blooming pa rin siya whatever happens.

At bilang iwas si Jennylyn na pag-usapan ang kanyang lovelife, ang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na lang nila ni Jericho Rosales ang kanyang ikinuwento.

Dram-Com daw ang effect ng pelikula nilang Walang Forever kaya sa fans na nagsasabing walang pagkakaiba ito sa pelikula nila ni Derek Ramsay na English Only, Please, manood na lang daw kayo dahil may kakaibang ilalabas ang Walang Forever.

Eh kumusta naman si Echo katrabaho?

“Si Jericho, tutok talaga siya eh. Sa mga eksena, sa trabaho, sa script, sa acting. ‘Yung ano niya talaga, ma-focus siya. Hindi siya marunong ma-distract,” pagbabahagi ni Jen.

Maalaga rin daw si Echo sa set at feel na feel na nga raw ng mga tao ang chemistry nila.

Kwento pa ni Jen, “Alam n’yo nga sa production, may times nga po sa set, may mga kinikilig na agad. ‘Yung may bigla kang maririnig na magyi-yiiiii (kilig sound)”

Madali bang magpakilig si Echo?

“Oo naman. Nakakakilig talaga siya. Kasi dati pinapanood ko lang siya sa Pangako Sa’yo tapos ngayon nakakaeksena ko na siya. Sabi ko nga sa kanya nung una kaming nagkita ‘Nakuuu, finally makakatrabaho na kita! Noon kasi pinapanood lang kita sa TV eh.’ Tapos ayun nga kaeksena ko na siya ngayon kaya nakakakilig lang talaga” pag-amin ni Jen.

Eh hindi ba siya kinakabahan bilang mas mga batang loveteam gaya ng AlDub at JaDine ang makakalaban nila sa MMFF 2015?

“Ayun nga po eh. Ganun talaga. Ang mahalaga naman po eh ‘yung makapagpasaya kami ng tao. ‘Yung malaman lang po namin na nakapagpasaya kami ng tao, sapat na po ‘yun,” saad ni Jen.

Teka nga, ang dami na namin napag-usapan, ang tanong ng tao, si Jennylyn Mercado ba ay naniniwala sa forever?

“Personally hindi, kasi ‘di ba, wala namang forever sa mundo. Kumbaga ‘yung plants namamatay, tayo nawawala, ‘yung gadget nasisira,” makabuluhang pahayag ni Jen.

May ganuuun? Ang lalim naman nun parang kailangan ko yata ng pala para hukayin.

Anyway, abangan kung may forever ba sa kanila ni Eman (Dennis Trillo) dahil ang balita, may sweet moments daw na magaganap sa kanila sa nalalapit na pagtatapos ng My Faithful Husband na mapapanood pagkatapos ng Beautiful Strangers sa GMA 7.                              

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

JENNYLYN MERCADO

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

SIYA

WALANG FOREVER

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with