^

PSN Showbiz

Panganay nina Jolina at Mark kumikita na sa dating fan ng ina

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang buong pamilya Escueta na kinabibilangan ng Rivermaya band member na si Mark Escueta, si Jolina Magdangal, at ang magdadalawang taong gulang na anak nilang si Pele Iñigo Magdangal Escueta ang nakikinabang ngayon sa pagiging isang matagal nang tagahanga ni Jolina ng nagmamay-ari ng Megasoft Hygienic Products na si Aileen Go.

“Fan ako ni Jolina, alam niya ‘yun kaya nang maisipan naming kumuha ng endorser para sa aming Super Twins baby diaper, hindi lang ang anak nila ang agad ay naisip namin kundi maging silang dalawa ni Mark din. Hindi lang ang produkto ang gusto naming maipakilala kundi ang kahalagahan nito sa buong mag-anak. Kung ano ang naidududlot nito para maging masaya ang isang pamilya,” panimula ni Gng. Go na super hands-on sa project katuwang ang Big Boy Productions ni Baby delos Reyes.

Isa sa maipagkakapuring pamilya sa showbiz ang pamilya Escueta. Magdadalawang taon na si Pele pero hanggang ngayon ay gatas ng kanyang ina pa rin ang nagpapalaki at nagpapalusog sa kanya. Kaya kahit saan pumunta, trabaho man o hindi ay kasa-kasama ni Jolina ang anak. Isa nang regular fixture si Pele sa taping at shooting niya. Kapag libre si Mark ay tinitiyak nilang magkakasama sila kahit sa bahay lamang, naglalaro at nagkakatuwaan sa kanilang kama.

Regular ang pamamasyal nila sa mall at pagtira sa hotel, kahit overnight lamang. Ito ang bonding nilang mag-anak. Balak nilang sundan si Pele sa huling quarter ng 2016 at wish nila na babae naman ang maging anak nila.

Kahit inamin na ang pagkatalo Vice Ganda hindi pa rin makakuha ng simpatiya, mas lalo pang binibira

Kawawa naman si Vice Ganda, kung kailan inamin niya na mahihirapan na ang programang kinaaniban niyang It’s Showtime na habulin, much less ay pantayan ang kasikatan ng Eat Bulaga dahil sa loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza at saka naman siya binabatikos ng netizens.

Buti na lang at may iba pa siyang programa sa Kapamilya Network na hindi naman apektado ng kumpetisyon ng dalawang programa. Tama lang ang desis­yon ng It’s Showtime na hayaan na lang ang AlDub at EB. Meron naman silang mga loyal viewers na hindi humihiwalay sa kanila.

Maswerte nang nakaabot sila ng anim na taon sa ere at masasabing going strong pa rin. Iba-iba ang panlasa ng TV viewers. Ang mahalaga ay may choices ang manonood kung ano ang gusto nilang panoorin. Ang dapat mawala ay ‘yung masamang asal ng fans na lumalampas na sa tamang asal para maipagtanggol ang kanilang mga idolo.

Liza kayanin kaya na wala si Enrique?!

Bago pa lumabas ang spine isyu ni Angel Locsin na makakahadlang nang malaki sa paggawa niya ng Darna movie ay umugong na ang balita na gustong ibigay kay Liza Soberano ang role. Kaya hindi na pinagtatakhan ng marami kung sa much younger actress nga ipagkaloob ang role since hindi na ito magagawa ni Angel.

Ang masama ay kung naagaw ang role kay Angel nang walang dahilan. But since meron na nga, wala nang problema kung gawin man ito ni Liza. Ang problema ay kung magagawa ba niya ito nang wala si Enrique Gil at kung tatanggapin siya ng manonood na mag-isa lang lalo’t sigurado ang box-office success ng Everyday I Love You. ‘Yun ang problema na kinakaharap ng mga magkaka-loveteam kapag sinimulan na silang paghiwalayin.

Gift certificates hindi nakakatuwa

Sa halip na matuwa, parang wala lang kapag nakakatanggap ng gift certificates ang entertainment press. Paano, marami pa ang dapat bayaran para makuha ang hidden value ng GC na tinanggap nila. Ako nga nakakuha ng P5,000-worth ng salamin, pero para sa lens lamang pala ‘yun. At nang malaman ko at masabihan ako ng halaga ng katumbas na frame, aba eh mas doble pa sa halaga ng napanalunan ko. Kaya iniwan ko na lamang sa optical shop ang GC bago pa ako mawala sa huwisyo.

Minsan naman ay ibinigay ko sa anak kong babae ang GC na nakuha ko. Transferrable naman ito kaya wala akong nakitang problema until malaman ko na napakalamig ng naging pagtrato sa aking anak sa salon na pinuntahan niya dahil ang gamit niya ay isang GC lamang.

Ever since, wala na akong kapamilya na gustong tumanggap ng GC ko dahil napapahiya lamang daw sila.

Isinulat ko lamang ito dahil kahapon sa isang umpukan among movie writers, napag-usapan ang GCs at marami ang nagsabing ‘di rin sila gaanong natutuwa dahil karamihan ng natatanggap nila ay may iba pang halaga na hinihingi.

ACIRC

AILEEN GO

ALDEN RICHARDS

ANAK

ANG

HINDI

JOLINA

KAYA

KUNG

NANG

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with