Baguhang producer-actress umaasang papatok bilang aswang
Balik sa pagdidirek ang dating action star at character actor na si Roi Vinzon sa pamamagitan ng suspense-thriller movie na Maria Labo na pinagbibidahan ng baguhang si Kate Brios at tinatampukan din nina Sam Pinto, Jestoni Alarcon, Dennis Padilla, Baron Geisler, Mon Confiado, Rez Cortez, Rey `PJ’ Abellana at iba pa.
Nakapagdirek na rin noon si Roi ng dalawa pang pelikula at kasama na rito ang Boy Indian in 1994 pero ito’y natigil nang mag-focus siya sa kanyang career bilang actor.
Nasa hotel and resort business ang bida at producer ng pelikula na si Kate Brios who’s debuting as an actress-producer na Maria Labo na released ng Viva Films at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa November 11.
“Masaya ako sa suporta ng aming director (Roi Vinzon) at mga kasamahan ko sa movie,” pahayag ni Kate Brios na first time humarap sa entertainment media para sa presscon.
Hindi ba naman napi-pressure si Kate dahil sa kanya nakaatang ang tagumpay ng pelikula lalupa’t isa siyang baguhang sa larangang ito at hindi kilala?
“Siyempre po may kaba pero confident naman po ako na maganda ang pagkakagawa ng movie namin at magagaling lahat ng mga kasama ko rito including Direk Roi (Vinzon),” pahayag ng baguhang actress-producer.
Personal naman na pinatotohanan ni Roi na mahusay si Kate para sa isang baguhang artista at very cooperative umano ito sa mga eksenang ipinagawa niya sa movie kasama na ang rape scene na kinunan pa sa Dubai.
Ang `labo’ ay salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay `pagtaga’. Nataga ang mukha ni Maria dahil sa kanyang pagiging isang aswang kaya siya tinaguriang Maria Labo.
Andre sa shooting lang naka-bonding ang ama
Masaya ang Kapuso young actor na si Andre Paras na magkasama sila ng kanyang amang si Benjie Paras sa pelikulang Wang Fam, isang horror-comedy movie ng Viva Films na dinirek ng box office director na si Wenn Deramas na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa November 18.
Sa sobrang busy pareho ng mag-ama sa kanilang respective career ay halos bihira na sila magkaroon ng time na makapag-bond. Kaya tuwang-tuwa si Andre nang malaman niya na magsasama sila ng kanyang dad (Benjie) sa movie na first time nangyari magmula nang mag-artista si Andre.
“We had time to bond nung sinu-shoot pa lamang namin ang movie kasi most of the time ay magkasama kami sa mga eksena. It wasn’t even work for us,” pag-amin ni Andre na may bagong ka-loveteam sa movie, ang kapwa niya Viva artist na si Yassi Pressman.
Kung si Barbie Forteza ang ka-loveteam ni Andre sa long-running afternoon TV series ng GMA 7 na The Half Sisters, si Yassi naman ang kanyang kapareha sa Wang Fam na tinatampukan din nina Pokwang, Alonzo Muhlach at iba pa.
“Masarap makatrabaho ang iba’t ibang kapareha para hindi ka rin pagsawaan but I don’t mind having a love-team,” ani Andre.
- Latest