^

PSN Showbiz

Pauleen naunahan pa AiAi at Vic nagsama na sa kama!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hiyawan ang tao sa Philippine Arena nang ipalabas ang teaser ng My Bebe Love dahil unang napanood na may bed scene sina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Sobrang nakakatawa ang reaction ni Vic nang makitang katabi niya sa kama si AiAi.

Pinost din ni Ai-Ai sa Instaram (IG) ang tea­ser ng MMFF entry nila at mas marami ang na-excite sa first bed scene nila ni Vic.

Aliw ang reaction ng followers ni AiAi dahil naunahan daw niya ang fiancée ni Vic na si Pauleen Luna.

Siyempre, kinakiligan din ang mga eksena nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Ex-bf ni Yaya Dub, may paalala kay Alden!

Samantala, ang sweet ng message kay Alden ng ex-BF ba o ka-MU ni Maine na “Please take care of her.” Si Patrick Paragas ang nag-post at parang sinurender na niya si Maine kay Alden.

Napanood yata ni Patrick ang Eat Bulaga  last Saturday dahil noong Sabado rin siya nag-post.

Mas pinanood din ang Eat Bulaga last Saturday sa inilabas ng AGB Nielsen rating na nakakuha ito ng 50.8 percent rating.

Kaaliw si Maine sa EB kahapon, kinilig daw siya nang yakapin ni Alden last Saturday at ‘yung gown na suot ay ‘di pa nilalabhan. Hindi pa rin siya naliligo. Aware kaya si Maine sa controversy na dala ng gown na gawa ni Francis Libiran?

Bea todo-emote na walang show

Natawa kami sa sagot ni Bea Binene na “wala akong pera, wala akong show” nang biruin ng press na may malaki siyang pera dahil afford niyang i-produced ang reality-lifestyle TV show na Legally B. Tungkol sa preparation ng kanyang debut party sa November 3 ang show na napapanood, 11:30 a.m., sa GMA News TV every Saturday.

Ipapakita sa Legally B ang mga plano sa kanyang debut na vintage Hollywood ang motif, ang outtakes and behind-the-scene footage sa kanyang photo shoot.

Nilinaw ni Bea sa presscon for her debut na ang mommy niya talaga ang producer ng Legally B. Tinanong din namin si Mommy Carina kung invited si Jake Vargas sa debut, ang sagot naman niya ay hindi pa sila namimigay ng invitation.

Si German Moreno na manager ni Jake ay invited at kasama sa 18 treasures, hindi kaya mainggit si Jake sa manager?

Doon sa sinabi ni Bea na wala siyang show, soap lang ang wala siya dahil nasa Vampire Ang Daddy Ko at may show sa GMA News TV. Pero iba pa rin ang may soap at nami-miss ‘yun ni Bea.

Benjamin todo ang ginawang pakikipag-laplapan

Magugulat ang sumusubaybay sa Beautiful Strangers ‘pag napanood si Benjamin Alves sa indie film na Gayuma dahil sobrang daring ang aktor sa movie. Sa poster pa lang, panggulat na at ipinakita ang aktor na may kahalikan ng torrid.

May sexy scenes si Benjamin sa Beautiful Strangers at may matitindi silang kissing scenes ni Lovi Poe, pero iba ang makikita sa kanya sa Gayuma. Sabi naman ni Benjamin, masaya at proud siya sa movie dahil mas na-explore niya ang pagiging aktor niya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEA

BEA BINENE

BEAUTIFUL STRANGERS

BENJAMIN ALVES

EAT BULAGA

LEGALLY B

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with