Vice Ganda suko na sa kumpitensya, itinaas na ang bandila sa EB mag nina Alden at Maine, hindi kumita sa Philippine Arena
SEEN: Yaya Pepe ang pangalan ng yaya ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Proud ang tunay na yaya sa achievements sa showbiz ng kanyang alaga.
SCENE: Unseen kahapon sa big show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena sina Pia Guanio, Sam YG, Keempee de Leon at Michael V.
SEEN: Ang grupo ni Vice Ganda ang grand champion sa Magpasikat segment ng 6th anniversary show kahapon ng It’s Showtime na katapat ng Tamang Panahon ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.
SCENE: Ang mahabang litanya ni Vice Ganda tungkol sa Eat Bulaga/It’s Showtime rivalry at ang pagtataas niya ng bandila sa kanyang pahayag na
“Hanggang ngayon, wala kaming nararamdamang ano, kasi wala naman kaming intensyong makipagtalo at makipag-away. Sa simula pa lang po, talo po kami. Itinataas po namin ang bandera dahil sila ay aming mga idolo at modelo. Hindi namin matatalo ‘yan!”
SEEN: Kumpleto ang pamilya ni Joey de Leon sa Philippine Arena dahil avid fans ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang kanyang asawa at mga anak.
SCENE: Ipinakita ni Ryzza Mae Dizon sa production number nila nina Maine Mendoza at Baste sa Eat Bulaga ang husay niya sa pagsakay sa hoverboard na dahilan ng pagkabagok ng ulo ni Allan K. sa taping ng Vampire Ang Daddy Ko noong Martes.
SEEN: Hindi pinayagan na ibenta sa Philippine Arena lobby ang mga kopya ng November issue ng YES Magazine. Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga celebrity cover ng November edition ng YES.
SCENE: Mali ang spelling ng pangalan ni Michael V. sa closing billboard ng Eat Bulaga. Spelled as Micheal ang pangalan ng comedian/TV host.
- Latest