Goma biglaan ang desisyong kumandidatong mayor!
“Co’z I’m a fighter talaga,” sagot ni Richard Gomez nang uriratin kung bakit hindi siya sumusuko sa pulitika.
Humabol sa deadline ng filing of candidacy last week si Goma na ikinagulat ng ilan. Kakandidato siyang mayor ng Ormoc. Ito ang ikalimang attempt ng actor.
“It was really a big decision on my part. Somehow I feel sad mababawasan ‘yung trabaho ko sa showbiz (with the upcoming campaign) at the same time, we never know ano ang mangyayari sa akin, kung palarin ba ako.
“I didn’t have plans on running in the next elections. I decided the night before the last day of filing.
“I took the challenge, hindi puwede walang tatakbo sa Ormoc. Hindi pwedeng iwanan si Lucy na walang kakampi sa Ormoc,” paliwanag niya sa naging decision, sa presscon ng serye nila ni Dawn Zulueta na You’re My Home sa ABS-CBN.
Sinabi naman ni Direk Jerry Sineneng na hindi apektado ang serye sa pagkandidato ni Goma dahil buo na ito at naghintay lang sila ng tamang timing para ipalabas ito.
Bibigyang diin ng serye ang kahalagahan ng pamilya sa paglalahad ng kwento ng isang anak na gagawin ang lahat mabuo lang ang kanyang pamilya na magsisimula nang mapanood sa November 9.
Kasama rin sa cast sina Assunta De Rossi, Tonton Gutierrez, Minnie Aguilar, Diana Zubiri, Joebel Salvador, Mika Dela Cruz, Peewee O’Hara, Belle Mariano, Bugoy Carino, at Raikko Mateo.
Ipinamimigay na nga raw nila Assunta ibinukong sobra-sobra na ang kayamanan nila ng asawang kongresista
Pahinga muna pala sa pulitika ang asawa ni Assunta de Rossi na si Cong. Jules Ledesma this 2016.
Ayon kay Assunta, aasikasuhin muna ng asawa ang mga ari-arian ng pamilya nila. Lalo na nga’t binayaran daw nila ang utang ng isang kumpanya dahil minana ito ng kanyang asawa nang magkaroon ng world economic crisis.
Sinabi rin ng aktres na ang more than half raw ng wealth o kayamanan nilang mag-asawa ay sini-share nila sa kanilang workers sa Negros. “Kasi it’s too much eh. Why not. Through social enterprise, basically sa ngayon we control everything na, kami na lang talaga sa mga properties,” sabi niya the other night sa presscon ng You’re My Home.
So hindi ba niya naisip na palitan sa posisyon ang asawa (bilang congressman)?
“Kasi para akong adopted doon, sa San Carlos, sa loob ng 13 years I got to know the people, pero kahit kailan hindi lumabas ang pangalan ko or na-tsismis (na kakandidato ako) kasi iba kasi silang mag-isip eh. Kahit ako natatakot ako. Pero hindi ‘yung natatakot na mamamatay ako. Pero iba kasi doon, may sarili silang sistema,” pagkukuwento niya sa pulitika sa probinsiya ng kanyang asawa.
Kahit daw ang mga nakakausap niya walang sinasabi “bakit hindi ikaw ang kumandidato” usually daw ang sinasabi “mabuti naman ang makakapahinga ang asawa mo.”
Besides binawalan talaga siya ng husband niya na kumandidato. “Saka parang kalalakihan pa ba ‘yun ng mga anak mo na lahat ng kamag-anak mo nasa pulitika?
“Saka hindi naman ako baliw para bitawan ang Italian citizenship ko, one of the most powerful passports in the world. Bawal ang dual citizenship. Ang mga anak ko hindi rin puwede dahil Filipino-British ang hawak nilang passport,” malamang na ang sinasabing anak nila ay mga anak ni Cong. Jules sa namayapang asawa.
Pero never naman daw talaga niyang pinangarap na maging pulitiko. “Masaya na ako na hanggang ganito lang ako na tipong luka-lukang artista, nanay at kaibigan, asawa saka alam ko naman hindi ako mananalo dahil hindi naman ako nag-iiikot doon,” sabi pa ng aktres.
“Pero thank you at never nila akong na-consider doon. Kasi iba talaga sila. Wala sa kanila kung ano ang apelyido mo at kung sino ka o kung mayaman ka,” kuwento niya pa.
At nang tanungin siya kung anong masasabi niya na number 1 bulakbol ang husband niya sa Congress : “I’m sure silang dalawa rin ni Pacman ang no. 1 tax payers. Thank you,” pagtatapos ng aktres.
Sosyal si Assunta ‘di ba!
- Latest