Overseas voting, mas pinaigting ng pagsasanib-puwersa ng TFC, COMELEC, at DFA
MANILA, Philippines – Para pag-ibayuhin ang kampanya para hikayatin ang mga overseas Filipino (OF) na bumoto para sa 2016 elections, nakipagsanib-puwersa na ang Commission on Elections Office of the Overseas Voting (COMELEC OFOV) sa TFC at Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA OVS) sa pormal na seremonyas kamakailan sa ABS-CBN Corporation headquarters sa Quezon City.
Layunin ng tripartite agreement na palawigin pa ang awareness campaign para sa overseas vote; hikayatin ang mga OFs para mag-register; at sa huli’y himukin silang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng kanilang pagboto para sa mga susunod na mamumuno ng ating bayan.
Noong Agosto, inilunsad ng TFC ang isang public service announcement (PSA) para ipakita na mas madali na ngayon ang pag-rehistro dahil sa i-rehistro. Tampok si Atom Araullo, ipinakita ng PSA ang easy steps na dapat sundin para mag-register sa irehistro.comelec.gov.ph
Mapapanood ang PSA sa lahat ng continents sa pamamagitan ng platforms ng TFC mula IPTV, satellite, cable, mobile at online at ang mga important updates sa OV lalo na at papalapit na ang October 31 deadline ng registration.
Binubuksan din ng TFC ang event nito para sa mga off-site registration ng COMELEC at DFA OVS. Ang mga OFs ay hinihikayat na mag-register online sa irehistro.comelec.gov.ph, i-print ang form, dalhin ang kanilang valid ID at magpa-biometrics sa mobile registration centers.
Sa Pilipinas, maaaring mag-register sa 13 overseas registration centers (OVRC) sa Pilipinas. Ito ay ang mga sumusunod: DFA Regional Consular Office sa Davao, San Fernando, Pampanga, Cebu, at DFA Satellite Offices sa Robinsons Galleria, SM Manila & Ali Mall; DFA Office of Consular Affairs sa ASEAN Business Park in Parañaque; NAIA Terminals 1 to 3 sa Pasay City, POEA sa Ortigas, Mandaluyong, & Philippine Transmarine Carriers Inc. sa Makati City, Marina & Kalaw City, Manila; at CFO sa Osmeña sa Manila, & OWWA Training Center sa Intramuros kung saan nag-register si ABS-CBN Middle East, Europe & Africa (EMEA) News Bureau Chief Danny Buenafe & Head of News Gathering Dindo Amparo nang pinasinayaan ang mga ito.
Ang deadline para sa overseas voting registration ay sa October 31, 2015. Samantala, ang voting period para sa OFs para sa 2016 Presidential Elections ay mula April hanggang May 9, 2015.
- Latest