Claudine ‘di na mapilit magsalita tungkol kay Raymart
Tuloy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni Claudine Barretto dahil matapos ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Etiquette for Mistresses ay isang bagong proyekto naman ang pinaghahandaan ngayon ng aktres. “May gagawin na tayo under Viva. Medyo confidential pa kung sino ang mga makakasama ko pero it will be directed by Wenn Deramas. ‘Yung leading man ko rito magaling siyang artista at nakasama ko na siya dati,” nakangiting pahayag ni Claudine.
Maraming mga teleserye na ang napagsamahan ng aktres at Direk Wenn kaya magsisilbing reunion project din ang bagong pelikula ng dalawa.
Samantala, pagdating naman sa personal na buhay ay masaya na raw si Claudine. Kahit nagkahiwalay na sila ng asawang si Raymart Santiago ay wala na raw tensyon sa pagitan nila ngayon. Nagkasundo raw ang mag-asawa para sa kapakanan ng dalawang anak na sina Sabina at Santino. “Maayos kami ni Raymart ngayon and may usapan kami na ‘wag na lang mag-comment ng kahit ano tungkol sa isa’t isa para sa mga bata. Ang importante okay kami ngayon at masaya ang mga anak namin,” makahulugang pahayag ng aktres.
Parang si Sam lang Gerald gustong makaranas ng career sa Hollywood
Mapapanood na sa October 28 ang pelikulang Everyday I Love You na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Liza Soberano, at Gerald Anderson. Naniniwala raw si Gerald na malaki ang maitutulong sa kanya bilang artista ng nasabing proyekto. “’Yon ang goal ko bilang artista na always evolve. That’s why tinanggap ko ‘to eh. It doesn’t matter who’s the love team o kung sino ang kasama ko. Ang importante is the role na gagampanan ko. Interesting ba siya? Kakaiba ba siya? I think mapapansin mo sa trailer pa lang parang medyo parang may sipa na eh. So ‘yon ‘yung goal ko and as an actor ‘yon ‘yung number one priority ko na sana with every project gumagaling ako lalo. I mean ginagawa ko ‘yung best ko para makakuha ako ng bagong matututunan,” paliwanag ni Gerald.
Sampung taon na ngayon ang aktor sa industriya at pinapangarap na raw ni Gerald na magkaroon ng career sa Hollywood. “Gusto kong ma-experience ‘yung Hollywood. Hindi lang dahil gusto kong sumikat sa Hollywood, dahil gusto kong ma-experience ‘yung kultura nila. Siyempre dito, kumbaga kahit paano may pangalan na ako rito. So mga projects ibinibigay na lang sa akin. Gusto kong maranasan ‘yung auditions, paghirapan mo, kasi hindi ko alam kung kaya ko eh. Takot kasi ako sa gano’n eh, mahiyain ako sa gano’n. Kumbaga siguro mahirap ‘pag naging kumportable ka, I mean sobrang blessed ako. Sobrang thankful ako na sila ‘yung nag-iisip ng proyekto para sa akin. I think as an actor kung matututunan ko ‘yun sa Hollywood ‘yung kultura nila, pagbalik ko rito sa Pilipinas magiging iba na ‘yung dynamics and I think that will be an edge na meron ako with other actors. I would love to do that,” pagbabahagi ni Gerald.
- Latest