Hillarie Parungao humakot ng awards kabilang ang korona ng Miss World Philippines 2015
MANILA, Philippines – Wagi si Hillarie Danielle Parungao bilang Miss World Philippines 2015 matapos ang coronation night kagabi.
Tinalbugan ng 24-anyos na tubong Nueva Vizcaya ang 25 iba pang contestants sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque.
Bukod sa korona, naiuwi rin ni Parungao ang iba pang wards kabilang ang Best in Swimsuit, Best in Long Gown, Best in Runway at Best in Sports Challenge.
Kinilala naman sina Marita Cassandra Naidas (1st Princess), Mia Allyson Howell (2nd Princess), Maria Vanessa Wright (3rd Princess) at Emma Mary Tiglao (4th Princess).
Ipinasa ni 2014 Miss World Philippines Valerie Weigmann ang trono at korona kay Parungao.
Gaganapin ang Miss World 2015 sa darating na Disyembre sa China.
- Latest