Court of Appeals nagbigay na ng go signal Willie ipinaaaresto sa kasong child abuse!
MANILA, Philippines – Nagbigay na ng go signal ang Court of Appeals (CA) para arestuhin ang TV host/comedian na si Willie Revillame kaugnay sa kasong child abuse na isinampa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City Regional Trial Court.
Ang reklamo ay dahil sa pagpapasayaw ni Willie sa isang anim na taong gulang na batang lalaki noong March 12, 2011 episode ng kanyang dating show na Willing Willie. Inutusan niya ang bata na magsayaw na parang isang macho dancer kapalit ng halagang P10,000 kung saan nakita itong umiiyak.
- Latest