Wala nang paki, fans umay na sa KrisTek!
Siguro naman ay magtutuluy-tuloy na ang pang-MMFF (Metro Manila Film Festival) entry ni Kris Aquino ngayong nagawa na niyang mapapalitan ang orihinal na kapartner niya sa pelikula na si QC Mayor Herbert Bautista. Si Derek Ramsay na ang leading man niya sa All You Need Is Pag-ibig na nasa direksyon ni Antoinette Jadaone. In fairness to Kris, mas lumaki ang tsansa ng movie ngayong iba na ang kapareha niya. Hindi nga naman favorable sa movie ang bati-galit-bating relasyon nila ni Mayor. Umay na ang mga tao sa kung ano ba talaga ang tunay na score sa kanila.
Mukhang wala talaga kaya nga ayaw nang gawin ng presidential sister ang movie na kahit siya pa ang sumagot sa multang P1-M dahil nasaktan na niya ang loob ng mga nasa likod ng Star Cinema.
Alden at Yaya Dub instant yaman
Ilang oras lang matapos maianunsyo ang bentahan ng ticket sa show ng tambalang AlDub sa October 24, bumenta na ito ng P33-M. Marami nang library ang maipapatayo ng Eat Bulaga para sa maraming eskwela sa bansa.
Alden Richards and Maine Mendoza should be grateful na hindi lamang sila nabigyan ng kasikatan ng Eat Bulaga, kundi nagawa ring mapagbago ang estado ng kanilang programa. Nagpapatayo na ng bahay si Alden Richards sa Nuvali Sta. Rosa, Laguna at bumili na rin ito ng sasakyang Road Trek na magagamit niya sa kanyang trabahao.
Sa mabilis na paglaki ng kanyang ipon, baka naman one of these days ay magawa na rin ni Yaya Dub na makapagpatayo ng sarili niyang restaurant at magamit ang kaalaman niya bilang isang chef.
Pastillas Girl inaabangan kung makakatuluyan si Mr. Pastillas
Nakapili na si Angelica Yap aka Pastillas Girl ng kanyang Mr. Pastillas. Ito ay si Chard Parajinog na nagustuhan niya ang pagiging mapagkumbaba sa kabila ng pagkakaro’n nito ng mataas na antas ng buhay. Pero hanggang sa TV lang magtatapos ang Nasaan ka Mr. Pastillas.
Kung itutuloy ng binata ang panunuyo sa dalaga ang siyang pinakaaabangan ng mga manonood. Siguro naman ay mabibigyan ng update sa show kung sakali mang magtuloy ang kanilang ligawan.
Eric naibabahagi na ang talento dahil sa YFSF
Unti-unti ay mabilis ang paglaki ng bilang ng mga sumusuporta at humahanga kay Eric Nicolas na isa sa mataas maka-score sa Your Face Sounds Familiar dahil sa kanyang husay.
Hindi lang niya nagiging kamukha ang celebrity icons na kanyang ini-impersonate kundi nagiging kaboses din niya. Nakapagtataka nga kung paano siya inabot ng ganito katagal nang hindi niya naipamamalas ang kanyang talento.
Sa pamamagitan ng YFSF, inaasahan ng lahat na makikilala na siya bilang isang mahusay na performer bukod pa sa pagiging audience pacifier at comedian.
- Latest