Sen. Bong dapat lang na linisin muna ang pangalan
Tama lang ang desisyon ni Sen. Bong Revilla na huwag na munang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy at sa halip ay linisin na muna ang kanyang pangalan para sa susunod na humarap siya sa tao at hingin ang kanilang boto ay wala na siyang magiging problema pa.
Mga damit at gamit ng mga artista ipagbebenta
Tuloy na pala ang Celebrity Ukay Ukay ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa Oct. 23-24 na gaganapin mismo sa kanilang opisina sa Delta Bldg., Roces Ave. Ang kikitain dito ay gagamitin para sa pagpapagamot at kung kinakailangan ay pagpapalibing ng maraming miyembro ng Club na hindi napaghandaan ang ganitong pangangailangan.
Maraming celebrity ang nagbigay ng kanilang mga gamit, damit, at kung anu-ano pa para makatulong sa proyekto ng pangunahing grupo ng mga entertainment writers sa bansa.
Magaling kasing umarte Jiro siguradong dudumugin ng trabaho
Gusto na raw muling umarte ni Jiro Manio. Madali lang naman ito dahil kilala siyang mahusay na aktor. Siguradong marami ang mag-aalok sa kanya ng trabaho once na malaman nilang magaling na siya.
Kaya Jiro, siguruhin mong okay na okay ka na. Kung nagagawa kang pagalingin ni AiAi delas Alas at mahanap ang tatay mo, mahahanapan ka rin niya ng trabaho.
Gerald bumuo ng sariling rescue team
Pinahahanga ako nitong si Gerald Anderson. Akalain mong bumuo siya ng sarili niyang search and rescue K-9 team na tutulong sa mga panahong may kalamidad at emergency ang bansa?
Naalala ko tuloy na minsang nagkaro’n ng malaking baha ay isa siya sa mga tumulong.
Keep it up. Gerald, you’re one man with a good heart.
- Latest