^

PSN Showbiz

Kapamilya loveteams, magpapakilig sa ASAP 20

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang saya at aliw na handog ng ASAP 20 para sa mga manonood ngayong Linggo (October 18).

Abangan ang pagdating ng cast ng upcoming Kapamilya teleseryes na You’re My Home at Walang Iwanan.

Magdadala ng kilig ang eternal loveteam na CharDawn nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na siguradong ka­gi­giliwan ng mga manono­od at kanilang mga fans.

Hindi rin naman pahuhuli sa pagpapakilig ang LizQuen nina Enrique Gil at Liza Soberano kasama ang Kapamilya teen sweethearts at dreamboys na sina Andrea Brillantes, Loisa Andalio, Alexa Ila­cad, Grae Fer­nandez, Joshua Garcia, at Nash Aguas.

Manghaharana din ang mga Kapamilya heartthrobs na dapat abangan ng mga manonood, lalo na ng mga kababaihan.

Sina Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Jo­lina Magdangal, Daryl Ong, Jay-R, at Toni Gon­zaga naman ay kakantahin ang mga ultimate hugot songs para sa mga Kapamilyang naghahanap ng pag-ibig o sawi sa pag-ibig.

Matapos ang kantahan, hindi rin naman magpapahuli sa sayawan sina Kim Chiu, John Prats, Ge­rald Anderson, Melai Cantiveros, Rayver Cruz, Jessy Mendiola, at Sarah Lahbati sa isa na namang trending na Supahdance number.

Magpapainit naman sa katanghalian ang mga nag-gagandahan at nag-seksihang Kapamilya stars na sina Jessy Mendiola, Bangs Garcia, at Sarah Lahbati.

Dapat din abangan ang ultimate biritan showdown nina Marcelito Pomoy, Darren Espanto, and Angeline Quinto versus Kakai Bautista, Pepe Herrera, and Karla Estrada.

Huwag palalampasin ang ASAP 20 ngayong Linggo (Oct. 18), 12:15 PM, sa ABS-CBN.

ACIRC

ALEXA ILA

ANDREA BRILLANTES

ANG

ANGELINE QUINTO

BANGS GARCIA

JESSY MENDIOLA

KAPAMILYA

MGA

SARAH LAHBATI

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with