^

PSN Showbiz

Eddie matatagalan pa sa Kapuso

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala naman pala dapat na ikalungkot ang mga manonood ng The Half Sisters dahil talaga naman palang aabot ang pagpapalabas nito hanggang January 2016.

Hindi matutuloy ang naunang balak na pagtatapos nito sa katapusan ng buwan ito dahil masyado namang mamamadali ang paggi-guest ni Eddie Garcia na kapapasok lamang sa serye.

Syempre gustong malaman ng manonood kung anong paraan ang naisip niya para maipaghiganti ang kamatayan ng kanyang anak na ginampanan ni Cherie Gil. Magbabalik pa rin ang character ni Gloria Romero kaya isa pa ring kaabang-abang na episode ang pagkikita nila ni Eddie.

Nora walang tigil ang papuri sa batang katrabaho

Nang makausap namin si Nora Aunor, nabanggit nitong excited siyang makatrabaho ang child star na si Chlaui Malayao sa Little Nanay.

Pagbabahagi ng Superstar, dati na niyang napanood umarte ang batang aktres at magkasama rin sila sa isang episode ng Magpakailanman kahapon, Sabado.

Wala namang tigil sa pagpuri si Nora dahil sa pagiging mabait, masunurin, bibo at professional ni Chlaui.

Julie Anne ga-graduate na may honor sa kolehiyo

Positibong ga-graduate ni Julie Anne San Jose with honors sa kolehiyo.

Kahit na sobrang busy sa showbiz commitments, nagba-block talaga ng schedule itong si Julie Anne para sa kanyang pag-aaral.

Positive nga ang tingin niyang gra-graduate siya with honors dahil sa pagiging consistent Dean’s lister niya.

Paliwanag ni Julie Anne, malaki talaga ang pagpapahalaga niya sa edukasyon dahil makakatulong ito sa mga future endeavors niya.

ANG

CHERIE GIL

CHLAUI MALAYAO

EDDIE GARCIA

GLORIA ROMERO

HALF SISTERS

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

LITTLE NANAY

NORA

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with