Chito Miranda panay ang urirat sa mga pulitiko!
PIK: Nag-pictorial ang buong cast ng Bubble Gang nung nakaraang linggo bilang paghahanda sa bonggang selebrasyon ng 20thanniversary ng longest-running gag show.
Si Michael V ang medyo senti tuwing napapag-usapan ang Bubble Gang dahil nagbabalik-tanaw siya kung paano sila nagsimula at nabuo ang masayang grupo ng Bubble Gang.
Hindi raw lubos maisip ni Bitoy kung paano sila umabot ng dalawang dekada. Nagpapasalamat sila sa mga manonood, lalo na sa masa na may malaking papel kaya naitaguyod ang naturang gag show.
Magkakaroon kaya ng partisipasyon ang mga dating miyembro ng Bubble Gang kagaya ni Ogie Alcasid?
Namataan namin si Ogie sa GMA 7 kamakalawa lang. Bumati siya kay Kuya Germs na nag-celebrate ng kanyang kaarawan sa Walang Tulugan.
PAK: Nakatsikahan namin si Hiro Peralta sa taping ng Walang Tulugan, at excited siya sa magandang role na ibinigay sa kanya sa Little Nanay.
Ang hinding-hindi raw niya makalimutan ay ang mga eksena nila ni Nora Aunor na sobrang kabado raw siya nung una silang magkita sa set.
“Nung first taping namin mabigat na agad ang eksena, kasi sasampalin po ako dun ni Ms. Nora Aunor. Pero ayaw po niya. Huwag naman daw. Puwede naman daw na huwag na ako sampalin,” tsika ni Hiro.
Okay lang naman daw sa kanya na sampal-sampalin siya ni Ate Guy, pero tumanggi daw ang superstar.
Kaya naging kampante daw siya agad kay Ate Guy dahil sobrang inalalayan daw siya sa mga eksena nila, at napakabait daw nito sa kanya.
BOOM: Ilan sa mga celebrities na sobrang involved sa Election 2016 ay si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar na inalok ng isang presidentiable ng dalawang milyong piso para i-tweet lang ito, pero tumanggi ito.
Gustong iparating ni Chito na hindi mahalaga sa kanya ang kikitain dahil nanaig sa kanya ang prinsipyo at integridad pagdating sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.
Nag-post si Chito ng kanyang saloobin sa kanyang Instagram sa mga tatakbong pangulo ng bansa.
Aniya; “Binay’s son-in-law is a good friend. Mar Roxas is a friend of my uncle and also of my bayaw.
“They both understand, however, that this is not simply about friendship. It is about who I think is most capable of improving the current state of our country.
“Gusto ko sana si Duterte pero ‘di naman tumakbo. hehe!
“Ok sana si Mar pero parang tanga ‘yung publicist niya eh. Bakit siya pumapayag na mag-picture-picture habang nagta-traffic sa ilalim ng ulan? Why not ask one of his men to do that for him para makapag-focus siya sa actual problem? Pero having said that, I think Mar is a decent choice.
“Pero honestly, mas trip ko sana si Miriam pero pinag-aaralan ko pa why she chose Bongbong. She must know something that I don’t and I’m pretty sure that she’s a lot smarter than I am. She wouldn’t have chosen him if she felt that he wasn’t the right choice. I’ve read about his accomplishments and modernization projects, and I must admit, they are very impressive regardless kung pro or anti-Marcos ako.”
Dagdag pang pahayag ni Chito; “Alam ko hindi ako political analyst and I also don’t understand why I was offered that much because I’m pretty sure that my opinions aren’t worth P2-M.
- Latest