Emote ng anak ni Mayor Duterte gasgas na!
‘Kasikatan’ ni Heneral Luna nagagamit ng mga gustong kumandidato; Kumareng Carla ni Kris all out ang suporta sa ex ni Herbert
Seen: Hindi na natutuwa ang mga Pilipino sa malakas maka-showbiz na drama na pagpapakalbo ng anak na babae ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para makumbinsi ito na kumandidatong pangulo ng Pilipinas dahil “kumita” na ang ganoong gimik.
Scene: Masayang-masaya ang American singer na si Bryan White dahil nangako ang AlDub fans na susuportahan ang concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa December 1. Si White ang umawit ng God Gave Me You, ang theme song ng AlDub.
Seen: Pinagdududahan na galing sa isang grupo ang magkakasunod at halos pare-parehong tweets tuwing oras ng Destiny Rose, ang afternoon drama series ng GMA 7.
Scene: Nag-file kahapon ng certificate of candidacy ang celebrity lawyer na si Atty. Lorna Kapunan na kakandidatong senador sa 2016. Si Kapunan ang legal counsel nina Hayden Kho, Jr., James Yap, Julia Barretto, Janet Napoles, among others.
Seen: Tatakbo na Bise-Gobernador ng lalawigan ng Laguna ang starlet na si Angelica Jones. Naghain kahapon si Jones ng kanyang certificate of candidacy.
Scene: Kakandidatong konsehal ng Quezon City si Tates Gana, ang ex-partner ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Suportado ang kandidatura ni Tates ni Karla Estrada, ang “kumare” ni Kris Aquino.
Seen: Ang paglilinaw ni Ciara Sotto na walang social media account si Senator Tito Sotto para sa kapakanan ng mga tao na nalilinlang ng parody account ng kanyang ama.
Scene: Sumakay sa popularity ng Heneral Luna si Bayan Muna Partylist 1st nominee Carlos Zarate dahil inspired ng costume ni John Arcilla sa pelikula ang suot niya nang mag-submit siya kahapon ng certificate of candidacy sa COMELEC.
- Latest