^

PSN Showbiz

Cesar ‘bumigay’ sa porno star!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mabuti naman at kahit hindi itinuloy ni Robin Padilla ang paggawa ng pelikulang Nilalang dahil sa muling miscarriage ni Mariel Rodriguez ay itinuloy pa rin ng mga prodyuser ang paggawa nito. Tapos na ang movie at nasa postproduction na. Ito ang kauna-unahang pelikula para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) na natapos na.

Marami ang magsisimula pa lang at meron ding iba na na­nganganib pang hindi magawa tulad ng entry ng Star Cinema na pagtatambalan sana nina Kris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista. Sa halip na huwag i­tuloy ang movie na nasa direksyon ni Antoinette Jadaone, ikinuha na lang sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na maging bida sa All You Need Is Pag-Ibig ayon sa mga bali-balita.

May blessing ni Robin si Cesar para gawin ang pelikula na nagtatampok din sa Japanese porno star na si Maria Ozawa.

Base sa mga trailer ng pelikula na napapanood ngayon, kakabugin daw ni Cesar ang maraming artistang lalaki sa MMFF 2015. Pero hindi na ito bago sa aktor na palaging maganda ang pag-arte sa kanyang mga movie project, mula sa kulang sa isip na si Waway hanggang sa matalinong si Gat Jose Rizal.

At saan ba naman magmamana ang sumisikat ngayong si Diego Loyzaga na unti-unti nang nagpapamalas ng galing sa pag-arte?

Hindi naman niya pinababayaan ang anak. Bukod sa nakatira ito sa isa niyang bahay ay binigyan niya rin ito ng kotse.

Ang relasyon na lamang niya sa kanyang mga anak na babae sa nakahiwalayan si Sunshine Cruz ang ipinagdarasal niyang maayos.

Albie ibinaon na sa limot ang anak nila ni Andi

Tama lang ang desisyon ni Albie Casiño na huwag nang mag-linger sa isyu ng sinasabing anak niya kay Andi Eigenmann since ang aktres naman ang ayaw pumayag na ipa-DNA test ang bata para matapos na ang problema sa pagitan nila.

Nabalikan na ni Albie nang matagumpay ang kanyang pag-aartista via On The Wings Of Love at ayaw na niyang ilagay sa alanganin ang kanyang karera na naapektuhan ng isyu nila ni Andi.

Wala na ang problema sa kanya, na-overcome na niya ito. Bahagi na lamang ito ng nakaraan niya.

Movie ni Kris binoykot ng mga senior citizen, Felix Manalo pinipilahan pa rin

Isa ako sa sumama sa mahabang pila ng mga gustong manood ng Felix Manako movie sa isang sinehan sa Fisher Mall. Gulat ako na ganun karaming tao ang interesado sa movie at hindi lahat ay myembro ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nang medyo pagod na ako sa pagtayo ay saka ko na-realize na I chose the wrong day para manood ng sine. Senior’s citizens’ day ‘yun ng QC kaya pala ang dami-daming tao.

Para hindi gaanong mainip, naisip ko na lang makipag-usap sa mga katabi ko sa pila. Lahat kami ay nagkaisa na sana hindi na lamang kami pinapila para hindi na kami mapagod. I asked one couple kung bakit Felix Manalo ang papanoorin nila, bakit hindi ang maganda rin namang Heneral Luna o Etiquette For Mistresses. ‘Yung Heneral Luna kung makakaya pa ay isusunod daw nila. Ayaw nila ng pelikula tungkol sa mistresses dahil hindi raw makapagtuturo ng mabuti at ayaw nilang i-promote pa ang mga kabit. Ipinaliwanag ko na hindi about sa mga kabit ang movie. Katunayan sa ending, all mistresses na bida ay nagbago ng buhay at iniwan ang kanilang mga lalaki. Dagdag ko rin na wholesome ang film at sayang kung ‘di nila mapapanood. Marami pang tanong at paliwanang na I hope ay nabigyan ko ng linaw bago pa kami tuluyang makapasok ng sinehan.

Malinis ang pagkakagawa ng Felix Manalo ni direk Joel Lamangan. Na bagaman at napakaraming malalaking artista ang kasama ay lubhang napakaiikli ng roles para mai-consider kong magaling. Tanging sina Dennis Trillo lamang at Bela Padilla ang merong mahabang performances. Ang galing ni Dennis, maski na nung nasa bingit na siya ng kamatayan ay umaarte pa siya.

Maganda ang cinematography, sound, editing, at maging ang music. Maganda ‘yung theme song na kinanta ni Sarah Geronimo na hindi na umabot sa promo ng movie at sa pelikula na lamang narinig.

Maganda ang kabuuan, hindi preachy at nagpakilala nang husto sa nagtatag ng INC. Sigurado namang proud ang mga taga-INC sa produkto ni Lamangan.

ACIRC

ALBIE

ALBIE CASI

ALL YOU NEED IS PAG-IBIG

ANDI

ANG

FELIX MANALO

HINDI

MAGANDA

MGA

MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with