^

PSN Showbiz

Alma ‘kinakausap’ si Dolphy para manalo si Vandolph

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagsadya kahapon si Alma Moreno sa COMELEC para mag-file ng kanyang certificate of candidacy. Kakandidatong senador si Alma sa ilalim ng political party ni Vice President Jojo Binay.

SCENE: Kahit nasa kabilang buhay na, si Dolphy ang “kinakausap” ni Alma Moreno para tulungan ng sumakabilang-buhay na Comedy King na matupad ang pangarap ng kanilang anak na si Vandolph na mahalal na konsehal ng Parañaque City.

SEEN: Kahapon ang 69th birthday ni Joey de Leon kaya absent siya sa Eat Bulaga. Naging tradisyon ni Joey na magbakasyon sa ibang bansa at magpahinga tuwing kaarawan niya.

SCENE: Kinumpirma ni Twitter executive Rishi Jaitly ang global phenomenon at authentic tweets tungkol sa AlDub kaya hindi masisisi si Lea Salonga sa pagkambyo at pagbati nito sa “forces behind AlDub.”

SEEN: Matagal na hindi mapapanood sa It’s Showtime si Jhong Hilario dahil tatakbo siya na konsehal sa Makati City. Susundan ni Jhong ang yapak ng kanyang ama sa pulitika at public service.

SCENE: Muling kakandidato bilang konsehal ng 2nd District ng Quezon City si Roderick Paulate. Naghain kahapon si Paulate ng kanyang certificate of candidacy sa COMELEC.

SEEN: Kakandidatong konsehal ng Parañaque City si Vandolph Quizon. Umaasa ang supporters ni Vandolph na makukuha nito ang simpatiya ng mga botante dahil nawalan siya ng ama noong 2012.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANG

ATILDE

COMEDY KING

EAT BULAGA

JHONG HILARIO

KAKANDIDATONG

LEA SALONGA

MAKATI CITY

QUEZON CITY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with