Pamasko ng GMA nag-umpisa na
MANILA, Philippines – Isang masayang Pasko ang hatid ng nagbabalik at mas pinalaki pang GMA Network promo na Kapuso Milyonaryo.
Inaanyayahan ng seasoned actor-comedian at longtime Kapuso Milyonaryo ambassador Joey de Leon at Pambansang Bae Alden Richards ang Kapuso viewers nationwide na sumali sa promo na nagsimula na noong isang araw, October 12.
Mula nang ilunsad ito noong 2012, 74 na Kapuso milyonaryo at 6 na bagong home owners na ang nanalo sa promo.
Ngayong taon, mahigit na P23 million worth of prizes ang ipamimigay, kabilang na ang 13 maswerteng mananalo ng P1 million each at 64 na mananalo ng P7,000 in cash. Maaari ring mapanalunan ang mahigit sa 100 smart phones, 200 appliances, 3 brand new cars at isang house and lot mula sa Bria. Si Alden pa mismo ang mag-aaward sa ilang mga mananalo!
Lahat ng nais sumali ay may pagkakataong maging instant milyonaryo sa pamamagitan ng paghulog ng entries sa Kapuso Milyonaryo drop boxes sa lahat ng GMA stations at piling Mercury Drugstore outlets nationwide.
Maglakip lamang ng proof-of-purchase mula sa participating brands sa bawat entry at ilagay sa isang envelope na may pangalan at contact details.
Ang promo period ay mula October 12 hanggang December 8, 2015.
Isang bayan para kay Pacman tinanghal na Best Sports Digital Platform
Nakamit ng ABS-CBN Sports ang Best Sports Digital Platform award para sa Isang Bayan Para Kay Pacman campaign ng ABS-CBN sa kauna-unahang Asia Sports Industry Awards na ginanap sa New World Hotel.
Ang Isang Bayan Para Kay Pacman ay isang kampanya na tumagal ng isang buwan sa pagpro-promote ng pag-ere ng laban ni People’s Champ Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa ABS-CBN. Naging epektibo ang digital interactivity ng naturang kampanya na ginamit ang hashtag na #OneForPacman.
Isa pang tumatak para sa kampanya ay ang pagkakaroon ng punch meter sa isang special website na dedikado sa Isang Bayan Para Kay Pacman kung saan maaring maki-suntok ang sino mang nagbabasa nito para ipakita ang suporta kay Pacman. Umabot sa 126 milyon na suntok ang nalikom sa nasabing website.
“Patunay lang ito na ang lakas ng teamwork at excellence sa ABS-CBN Sports ay kayang tapatan at higitan ang mga pinakamaganda’t pinakamagaling na kampanya sa ating rehiyon. Naipakita natin sa ating mga kapitbahay dito sa Southeast Asia na kaya rin natin makipagsabayan sa ating mga sports marketing na proyekto,” sabi ni ABS-CBN Sports head Dino Laurena.
Ang ABS-CBN, sa tulong ng ABS-CBN Sports, ang naghahandog sa free TV ng mga sports programs at mga sikat na liga tulad ng NBA, UEFA Champions League at iba pa. Ang Kapamilya network din ang tahanan ng dalawa sa pinakasikat na liga sa bansa, ang collegiate basketball leagues na NCAA at UAAP. Nag-eere din sila nga mga malalaking laban sa mixed martial arts ring ng UFC at ang mga lifestyle shows tuald ng Upfront at the UAAP. ?
- Latest