Chavit Singson tinutukan ang mga bisita!
Super enjoy ang aming overnight stay sa Baluarte in Vigan, Ilocos Sur na pag-aari mismo ng prominent businessman at erstwhile politician na si dating Gov. Luis “Chavit” Singson kasama ang ilang kasamahan sa entertainment media.
Baluarte (fortress) is a community within the community dahil halos kumpleto ang nasabing lugar ng amenities ng isang komunidad at kasama na rito ang mini zoo at Zafari Gallery. Matatagpuan sa gallery ang mga collection ng iba’t ibang hayop (including wild animals) na nahuli ng dating politician sa iba’t ibang bansa dahil hunting ang isa sa mga hobby ni Manong Chavit. May butterfly garden din dito at siyempre ang mansion ng dating gobernador kung saan may nakalaan na napakaraming kuwarto para sa kanyang mga bisita na nagmumula sa iba’t ibang lugar.
Matagal na naming binalak ang muling pagbalik sa Baluarte ni Manong Chavit pero dahil sa sobrang busy niya sa kanyang napakaraming negosyo hindi ito matuluy-tuloy. Last Saturday, tumulak kami patungong Vigan kasama ang aming host na si Manong Chavit sampu ng ating mga kaibigan at kasamahan sa panulat lulan sa 32-seater German Dorniel private plane ng pag-aari ng dating politician. Isa lamang ito sa 11 na iba’t ibang eroplano na kanyang pag-aari.
Nasa Vigan na si Manong Chavit pero muli itong bumalik ng Maynila para kasabay namin siyang lumipad patungong Vigan. Dumating ito nang maaga sa kanyang private hangar para personal na i-welcome ang entertainment press.
Hindi kami nabagot sa loob ng 45 minutes flight from Manila to Vigan dahil ang saya-saya ng lahat sa loob ng eroplano habang busy sa pagtu-tong-it sina Manong Chavit at Noel Orsal. Ang ending, talo si Noel ni Manong Chavit pag-touch down ng eroplano sa Vigan Airport. Talo man, nag-enjoy si Noel sa opportunity na makalaro ng tong-it ang dating gobernador.
Perfect host ang deskripsiyon ng mga dumalong press kay Manong Chavit dahil mula sa pag-alis sa kanyang hangar hanggang sa kami’y makarating sa sarili niyang kaharian sa Baluarte ay asikasung-asikaso kami nito sa kabila ng kanyang kabi-kabilang meetings pagdating ng Vigan.
Hindi pa man kami nakakarating ng Vigan ay naka-set na ang aming itinerary for the day matapos kaming mabigyan ng room assignments sa kanyang napakalaki at napakalawak na mansion. Kasama rito ang 30-minute animal show, tour sa Zafari Gallery, ang masarap na pananghalian sa Pakbet Farm sa Caoayan kung saan namin nakadaupang-palad si Gov. Ryan Singson (anak ni Manong Chavit) at si Mayor Germy Singson-Goulart ng Caoayan, Ilocos Sur, tour sa Heritage Houses sa Calle Crisologo, ang 30-minute magical dancing fountain show sa Salcedo Plaza at dinner sa kalye sa gitna mismo ng Calle Crisologo.
Napakaganda sa loob ng Baluarte at maging ang mga tanawin sa Vigan na napaka-linis. Napasyalan din namin ang St. Paul Metropolitan Cathedral, ang Plaza Burgos, Plaza Salcedo, ang Vigan market at iba pang mga landmarks ng lugar at natikman naming ang iba’t ibang delicacies ng lugar at kasama na rito ang famous Vigan longganisa, bagnet, at Vigan empanada.
Nag-enjoy din nang husto ang grupo sa aming masarap na dinner sa gitna ng kalye sa makasaysayang Calle Crisologo, kabi-kabilang shopping ng mga souvenir items mula sa Vigan, ang pakikisalamuha sa iba’t ibang friendly animals sa loob ng Baluarte maging ang mababait na staff pero ang hinding-hindi makakalimutan ng lahat ay ang pagiging perfect host ni Manong Chavit.
- Latest