^

PSN Showbiz

OTWOL extended hanggang next year... Jadine sanay na sa tukaan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang Valentine pa ang On The Wings of Love. Yes, ito ang binalita kahapon ng production people ng napakapatok na kilig serye nina James Reid at Nadine Lustre sa ginanap na OTWOL presscon yesterday.

Kaya naman sina James and Nadine, paulit-ulit ang pasasalamat sa mga kinikilig at talagang sumusubaybay sa kanilang serye.

“We are up to next year. We are crossing over Christmas, New Year and then Valentine,” sabi ng bossing ng Dreamscape na si Deo Endrinal sa presscon.

Ito ang first teleserye ng JaDine kaya naman overwhelmed sila sa nangyayari.

“Masaya po kami kasi maraming kinikilig,” sabi ni Nadine.

“Our first teleserye and na-extend, we couldn’t be happier,” sabi naman ni James.

“Thank you po kasi po kung na-extend po, it only means we are doing well po. So super happy lang po talaga sa pagtanggap ng mga tao,” dagdag ni Nadine.

Pero hindi pa nila alam kung anong mangyayari sa mga character nila bilang sina Clark and Leah. Pero definitely, marami pa raw kilig much na mga eksena.

Eh ano naman ang nararamdaman nila tuwing magtutukaan sila?

“Parang nasanay po kami. Minsan nagtatawanan lang,” mabilis na sagot ni Nadine.

“Kasi parang nagwo-work siya (being friends) ngayon, ayaw po naming maging complicated kasi what if, magkaroon pa kami ng away or something, siyempre, mahirap pong magtrabaho ‘pag meron pong ganu’n,” paliwanag ni Nadine.

Pero pakiramdam naman nila ay BF and GF material sila sa isa’t isa.

“Si Nadine, maalaga, she’s always asking me “don’t you want to eat?” or anything like that, she always asks me if I’m okay, she’s very maalaga,” pagbubuko ni James.

“Ako naman po, very emotional po kasi ako even in real life, hindi lang as Leah. Tapos siya po ‘yung parating nagpapatawa sa akin, ‘yung mga jokes po niya, nagme-make faces siya. Gusto ko po kasi ‘yung parating nagpapatawa sa akin,” sagot ng young actress.

At ang bongga, kahit wala silang relasyon for real, gets ng fans ang set up nila.

“Thank you po kasi they still support us naman po. Saka, me and James, we’re a team, parang we’re partners in crime, so kahit in real life gusto nila kaming magkatuluyan, okay lang kasi sumusuporta pa rin naman po sila sa amin,” Nadine said.

In all fairness kasi, hindi lang sa bansa pumatok ang OTWOL. Nakasubaybay din kasi ang mga kababayan nating nasa ibang bansa dahil sa kuwento nito na tungkol sa OFW na nagsisikap talaga para sa pamilya niya. Relate na relate sila.

Pero kung anong lakas ng chemistry nila, in real life naman ay ayaw nilang subukan na maging sila.

Pati mga sikat na personalidad ay hindi rin nakatakas sa OTWOL fever. Ang unang mga nagpahayag na sila ay certified OTWOListas ay sina Vice Ganda, Bernadette Sembrano, Marvin Agustin, Luis Manzano, Kyla, director Badji Mortiz, Kat de Castro, at ang basketball star na si Paulo Hubalde at marami pang iba.

Ni-reserch pala ang mga eksena ni Leah (Nadine) kaya naman swak ang bawat eksena niya.

“Base sa research ang mga OFW issues na tampok sa serye dahil gusto naming maging realistic ang pagtalakay namin dito. Humingi ng tulong ang Dreamscape sa research team ng ABS-CBN sa North America at nalaman na­ming na ang OFW issue pala ay iba-iba kada state sa U.S.,” ani executive producer Arnel Nacario.

Bumubuhos naman ang mga positibong reviews sa On the Wings of Love sa social media accounts ni direk Antoinette Jadaone. 

Actually ang suwerte ng JaDine dahil talagang sumakto ang kuwento sa kanila. Pati akting nila, swak sa mga character nila.

Napapanood ang OTWOL right after Pangako Sa ‘Yo.

Edu sasabak sa 2016, kakandidatong senador

Kumpirmado palang kakandito ring senador si Edu Manzano.

Yup, you read it right folks. Ayon sa isang source, nakumbinse ang TV host/actor dahil sa nakikita niyang mga pangyayari sa paligid.

Walang binanggit ang source kung ano’ng partido ang sasamahan pero definitely ay hindi raw sa LP dahil kahapon ay naglatag na sila ng line up.

Wait natin kung kaninong grupo aanib si Edu. Ang daming kakandidatong presidente.   

 

ACIRC

ANG

ANTOINETTE JADAONE

ARNEL NACARIO

KASI

MGA

NADINE

NAMAN

NILA

PERO

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with