Indie director na si Jay Altarejos inirereklamo ng pananakit ng baguhang aktres!
Nakakaloka naman ang karanasan ng baguhang aktres na si Dalin Sarmiento na dumanas na pisikal na pananakit mula sa direktor ng pelikulang ginagawa niya.
Naglabas ng official statement ang Actor’s Studio East bilang depensa kay Dalin at pagkondena sa inasal ng direktor na si Jay Altarejos.
Ito ang strong official statement ng Actor’s Studio na concern na concern sa karanasan ng aspiring actress:
“As you know, Actor’s Studio East teaches effective, yet healthy methods/approaches to acting. One thing we, nor should anyone condone, is violence in the workplace. It’s one thing to show violence in a film with pulled punches & edits, but it’s an entirely unacceptable to physically harm your scene partner & or the actors working under you when you’re serving as a director.
“A director’s job is bring the actors together as a whole, to create a masterpiece by respecting the actor’s abilities & their own, and to keep things moving forward as smoothly as possible. These are all difficult feats, but never so difficult for a trained director that one needs to inflict physical harm on one of their actors.
“It has come to our attention that a director known by Joselito “Jay” Altarejos has does just that. He has physically abused a female actress we’re quite familiar with, and then went on to slander her name as the “most unprofessional actress” he has worked with to cover his own woman-beating ass!
“This is unacceptable & we hope to see the fullest extent of the law applied to this asshole. We stand strong against violence against women, and we stand even stronger against violence towards ANY gender, especially in the workplace. This is intolerable, and we cannot wait to see justice served.
“Producers, actors, and agents alike: do yourself a favor, and never work with this pig! There is nothing more degrading & dangerous than working with someone who thinks they’re above the law.
“We greatly look forward to seeing this abuser get exactly what he deserves!”
Ang suporta na ibinibigay sa kanya ng mga nagmamalasakit ang nagpapalakas ng loob ni Dalin para ipaglaban ang mga karapatan niya.
Ang sabi sa mga report, sinuntok ni Jay sa tiyan at hinampas sa braso si Dalin para maging makatotohanan ang akting nito sa isang eksena ng indie movie na kanilang ginagawa na kasali sa isang film festival.
Kumunsulta na si Dalin sa isang abogado para sa kaso na isasampa niya laban kay Altarejos.
Hindi pa nagbibigay si Jay ng statement o reaksyon sa reklamo ng newcomer.
Nakilala ko si Jay noong 1994 dahil nagkasama kami sa retreat ng Oasis of Love Community.
To be fair kay Jay, mabait siya noon at palabiro kaya nagugulat ako sa mga naglalabasan na balita tungkol sa kanya.
Natatandaan ko na nawala si Jay bilang direktor ng isang teleserye ng GMA 7 dahil nagkaroon sila ng isyu ni Mike Tan.
Hindi ko na ikukuwento ang kumpletong detalye pero ikina-depress ni Jay ang nangyari kaya pansamantala ito na nawala sa television industry at ngayong active na uli siya sa paggawa ng indie movie, nasangkot na naman siya sa bagong kontrobersya.
- Latest