^

PSN Showbiz

Sumulat pala ang nanghingi ng tawad noon... Aktor na nakarelasyon ng ex, pinatawad na ni Chavit Singson!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Split na pala si Pops Fernandez sa boyfriend nitong negosyante.

Nabanggit ang tungkol sa break-up ni Pops nang matanong namin kay ex-Gov. Chavit Singson kung naging girlfriend niya ba si Pops.

“Hindi, kaibigan ko lang siya. Saka may grupo kami ng mga kaibigan. Kaibigan ko nga ang dati niyang boyfriend pero hindi na yata siya masaya,” pahayag ni Manong Chavit sa mga nakatsikahang entertainment press sa Vigan last weekend.

Matagal-tagal din kasing na-link si Pops sa dating pulitiko at tatay-tatayan ni Manny Pacquiao. “Alam naman ni Pops, may age bracket ako. Hahahaha,” sabi niya sa informal interview sa Calle Crisologo sa Vigan na sikat na pasyalan sa lugar.

Pero ayaw niyang mag-share kung ilan ang naging girlfriend niya o kung ilang artista ang naiuwi niya sa Vigan. Basta ang sinasabi niya, kahit kailan hindi niya pinagsabay-sabay ang mga naging girlfriend. Pero oras daw na lokohin siya at sinubukan siyang balikan ng babae, hindi na niya tinatanggap.

Maaalalang na-link sa isang actor ang ex niya. Umalis pa nun ng bansa ang nasabing actor kaya naudlot ang career. Pero sinabi ni Gov. Chavit na sinulatan siya ng actor kaya pinatawad na rin naman niya. Pero ang dating karelasyon niya, pinatawad niya pero hindi na talaga binalikan. Dahil din sa forgiveness niya, nawala ang takot ng actor at nakabalik ng bansa. Pero hindi na uli nagka-career ang nasabing actor at wala nang balita ngayon kung nasaan na.

Samantala, hindi na rin daw siya nagbibilang ng anak. Pero ang original niya ay pito at ang alam ng kanyang anak na si Ryan Singson na siyang governor ngayon, siya ang bunso legally. Pero hindi raw niya alam sa iba kung may ibang bunso. Humarap sandali si Gov. Ryan sa entertainment press. For a while ay naging familiar din siya (Gov. Ryan) sa showbiz dahil balitang-balita noon sa showbiz circle na naging girlfriend niya ang isang aktres. Pero ngayon ay married na siya at may dalawang anak.

At kung siya pala ang tatanungin, ayaw ni Manong Chavit na kumandidato si Manny sa pagka-senador. Mas gusto raw niyang lumaban na lang ito sa boxing. Pero siya mismo ang nagsabing maraming mga taong nakapaligid sa boxing champion na inuudyukan itong kumandidatong senador. “Hindi ‘yan marunong humindi. Lahat pinagbibigyan niya,” sabi ng dating pulitiko na hindi pala nakakatakot kausap.

Pero dahil decided na itong kumandidato, sasamahan niya si Pacman mag-ikot sa Pilipinas para ma­ngampanya.

Napag-usapan uli sa second round ng tsikahan sa Vigan ang pagbili niya kasama ang ilan pang investors sa GMA 7.

May naiisip na raw siyang mga ilalagay na tao sakaling matuloy ang bilihan. “Pero matagal pa ito ha. Mahirap kasing i-preempt ang isang negosasyon na ganyan eh.

“Magha-hire ako ng isang expert na hahawak. Ako kasi lahat ng negosyo ko may mga CEO na mga foreigner. Tapos may isang tao on top of them at saka namin pinag-uusapan kung ano’ng maganda sa isang negosyo. Balewala sa akin ang laki ng ibabayad ko basta ang importante magaling sila,” aniya.

Ayaw niyang magbanggit kung gaano na karami ang negosyo niya pero sa sobrang dami ng pera niya, naisip niyang ibigay ang iba sa kawanggawa.

At sisimulan nga niya ito sa tini-taping niyang programang Happy Life na eere sa GMA 7. Every Sunday night daw ito mapapanood. “Hindi ko naman kasi madadala sa hukay ‘yun.”

Walang sponsors ang programa niya na siya mismo ang nagdidirek.

“Ayoko ko kasi ng dole out. Gusto ko reward system,” dagdag ni Manong Chavit na sinundo pa sa Manila ang entertainment press na inimbita at pauwi ay sumabay din dahil susunduin niya raw ng kanyang private plane si Pacman na pupunta nang New York dahil tatanggap ito ng award mula sa UN.                                                                           

 

ACIRC

ANG

CALLE CRISOLOGO

HINDI

KUNG

MANONG CHAVIT

NBSP

NIYA

PERO

SIYA

VIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with