Mga kabit may karapatan din sa happy ending
Sino ba ang hindi galit sa mga kabit? Halos lahat ng mga babaeng inagawan ng kanilang mga asawa ay galit sa mga babaeng pwede namang magmahal ng walang sabit. Dahil lang ba sa pera, na sa pelikulang Etiquette For Mistresses na lahat ay may pera kaya nasusuportahan ang kanilang mga mistresses.
Ngayon pati ang happy ending ng mga characters na ginampanan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu, at Cheena Crab ay ayaw natin?
Huwag naman, ang mahalaga iniwan nila at pinakawalan ang kanilang mga lalaki.
Nora apektado ang career ng pagtanda
Pinapansin naman ang pagpayag ni Nora Aunor na makasama sa isang serye ng GMA na hindi siya ang bida. Hoy, nagkakaedad na rin ang marami nating beteranong artista, pero ano mang role ang ibigay sa kanila at tanggapin nila, hindi mawawala ang kanilang estado.
Dapat lang nating tanggapin na nagbabago ang panahon at walang artista ang hindi maapektuhan nito, kahit pa si Nora.
Yay Dub at Miss Pastillas masarap isipin kung magiging magkaibigan
Nagkita kaya sina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Miss Pastillas (Angelica Jane Yap) sa concert ng Lifehouse? Pareho silang nanood eh. Sana at sana may nag-introduce sa kanila para naman matuto ang fans nila na hindi komo, pinagsasabong sila sa kanilang mga programa ay magkaaway na sila.
There is such a thing as professionalism and friendship. Ang sarap isipin na maging magkaibigan sila.
Pero pumayag kaya ang mga supporters nila? Madalas ang mga fans and supporters ang nakakasira para magkaron ng tahimik na buhay ang mga artista at magkaro’n ng magandang relasyon sa kapwa nila artista!
- Latest