^

PSN Showbiz

Kakai umaming minsan romantic, minsan motherly ang relasyon kay Ahron Villena

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang performance ng Kapag Tumibok ang Puso habang ini-impersonate si Donna Cruz, sorpresang dinalaw si Kakai Bautista ng Kapamilya actor at kanyang rumored boyfriend na si Ahron Villena sa set ng top-rating na Your Face Sounds Familiar noong nakaraang linggo.

Tumibok na nga ba ang puso ni Kakai? Hindi naman makasagot nang diretso si Kakai nang gisahin ng host na si Billy Crawford at ng pambansang Ka-Face na si Melai Cantiveros tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Ahron at patawang sumagot ng, “Minsan romantic, minsan motherly.”

Maging inspired kaya ulit si Kakai para kuminang sa kanyang performance bilang si Donna Summer ngayong weekend (Oct 10 and 11)?

Panoorin ang pagpapatuloy ng kumpetisyon sa muling pagpapakitang gilas nina KZ Tandinan bilang si Amy Winehouse, Myrtle Sarrosa bilang si Jerry Yan ng F4, De­nise Laurel bilang si Lea Salonga, Kean Cipriano bilang si Dolphy, Sam Concepcion bilang si Dong Abay, Eric Nicolas bilang si Whoopi Goldberg, at Michael Pa­ngilinan bilang si Brandon Beal.

Samantala, patuloy na tinututukan ng mga manonood ang linggo-linggong transfor­mations ng walong celebrity performers sa Your Face Sounds Familiar.

Base sa datos ng Kantar Media, ito ang ikasampung pinakapinapanood na TV prog­­ram sa buong bansa noong Setyembre na may average national TV rating na 26.5%.

Huwag palampasin ang all-new season ng Your Face Sounds Familiar, tuwing Sabado pagkatapos ng MMK at tuwing Linggo pagkatapos ng Rated K.  sa ABS-CBN.

 

ACIRC

AHRON VILLENA

AMY WINEHOUSE

ANG

BILANG

BILLY CRAWFORD

BRANDON BEAL

DONG ABAY

DONNA CRUZ

KAKAI

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with