Daniel hindi dapat dedmahin ang pakiramdam ng fans nila ni Kathryn
Hindi man apektado si Daniel Padilla ng mga pambabatikos sa kanya at maging sa tambalan nila ni Kathryn Bernardo, hindi naman niya ito dapat ipagwalang bahala. At huwag niyang sasaktan ang feelings ng fans nila at followers sa pagwawalang bahala sa mga sinasabi nila masama man o mabuti.
Marami sa criticisms sa kanila ay makatutulong at kinababakasan ng damdamin ng mga sumusubaybay sa kanila.
Nate hindi kataka-taka kung maging singer
Nakapagtataka ba kung sa kanyang murang gulang ay nagpapamalas na ng interes ang anak nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid sa pagkanta? Mas magtaka tayo kung hindi nakuha ni Nate ang talento ng kanyang mga magulang.
Sabi naman ni Songbird, susuportahan niya ang anak kapag ginusto rin nitong kumanta.
Toni at Paul nakabuo na nga ba?
Naglilihi na nga ba si Toni Gonzaga? Aba, eh ‘di mabuti naman.
Unang matutuwa rito bukod sa mister niyang si Paul Soriano ay ang mga magulang niya. At for sure, maski rin si Alex Gonzaga. Pero wala pa namang sinasabi si Toni.
- Latest