Yaya Dub, Pastillas Girl kapwa nasa Lifehouse concert
MANILA, Philippines – Kapwa bumalik sa pagiging fan ang dalawang pinagbabanggang babaeng artista ngayon na sina Maine Mendoza alyas “Yaya Dub” at Angelica Yap na kilala sa bansag na “Pastillas Girl.”
Sa concert kagabi ng Lifehouse sa Mall of Asia Arena, parehong nanood sina Maine at Angelica at kapwa nakapwesto sa VIP section.
Habang nag-disguise si Maine at may mga kasamang bodyguards, wala namang ginawang kakaiba si Angelica na kasama naman ang kaniyang mga prospect sa paghahanap ng Mr. Pastillas niya.
Nakaupo sa bandang harapan ang “Eat Bulaga star at nasa likurang bahagi naman ang pantapat ng “It’s Showtime.”
Hindi naman nagkalapit at nagkausap ang dalawa dahil naunang umalis si Maine at si Angelica naman ay nagkaroon pa ng pagkakataon na magka-selfie kasama ang Lifehouse.
Ibinahagi rin ni Ms. Pastillas na ito ang unang pagkakataon niyang manood ng concert.
It was my first time to be in a concert and it was worth it! @lifehouse @Jasonwademusic @BryceSoderberg @RickyWJr pic.twitter.com/2Y10Dx95Qj
— Angelica Yap (@angelicaj__) October 9, 2015
- Latest