Gilas Pilipinas naghari sa TV ratings, mahigit 4 million kabahayan ang tumutok
MANILA, Philippines - Hindi man nakuha ng Gilas Pilipinas ang panalo laban sa koponan ng China sa nakaraang FIBA Asia Championship Finals noong Sabado, ika-3 ng Oktubre, naghari naman ang laro nito sa TV ratings. Nanguna ito sa 9:00-10:00PM timeslot base sa pinakamaraming nanood ayon sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng AGB Nielsen. Pumalo ito sa 32.4 % audience share sa National Urban Philippines; 33.6 % sa Mega Manila, 36% para sa Urban Metro Manila at 31.4% sa Urban Luzon.
Bilang “basketball country”, milyun-milyong fans ang tumutok at nanood sa maituturing na pinaka-inabangang laban ng FIBA Asia Championship Finals na live na napanood sa TV5. Ayon sa AMR data ng AGB Nielsen, nasa 4,277,944 na kabahayan ang tumutok sa naturang laro ng Gilas Pilipinas laban sa China.
Ikinadismaya ng maraming Pinoy ang naging resulta ng laro pero kitang-kita naman ang suporta ng mga ito para sa koponan ng Pilipinas. Nasa 1.2M total livestream views ang 2015 FIBA Asia Championship sa Sports5ph at Sports5 Youtube channel simula September 23 – October 3.
- Latest