^

PSN Showbiz

Alden tinatanggap lahat ng raket

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa sobrang init ngayon ni Alden Richards, hin­di  ngayon magkandaugaga ang GMA Artist Center na siyang namamahala sa career ng binatang si­nger-actor-TV host sa pagtanggap ng sunud-sunod na iba’t ibang project para sa kanya. 

Pero dapat ding maging maingat ang han­dler ni Alden sa pagtanggap ng mga proyekto para sa Kapuso actor dahil ang presence niya sa Eat Bulaga ang nagsa-suffer.  They should remember na ang Eat Bulaga ang naging tulay sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Alden dahil sa nasabing programa nabuo ang kanilang love team ni Yaya Dub

Kung parating wala si Alden sa Kal­­ye­serye ng Eat Bulaga, baka ma­­­walan ng interes sa kanya ang AlDub Nation na araw-araw naka­tutok sa programa dahil lamang sa kanila ni Yaya Dub at sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros).

Hindi naman nagre-reklamo si Alden kahit wala na siyang pahinga lalupa’t nag-iipon siya hindi lamang para sa kanyang future kundi maging sa kanyang pamilya.          

Regine pabor sa pagsi-singer ni Nate

Inamin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na wala umanong nasakripisyo sa kanyang career nang siya’y mag-asawa (kay Ogie Alcasid) at magkaroon ng anak (Nate).

“Lahat naman tayo ay nag-iiba ang prio­rities kapag may sarili ka nang pamilya,” pag-amin niya sa presscon para sa kanyang Regine at the Theater concert series sa Solaire Resort & Casino on November 6, 7, 20 & 21.

“Pero hindi naman nangangahulugan na kailangan kang tumi­gil sa dati mong ginagawa dahil may pamilya ka na. Hindi naman ganun,” paliwanag pa ni Regine.

Dahil parehong magagaling na singers ang mag-asawang Ogie at Regine, hindi kami magtataka kung tatanghalin ding mahusay na mang-aawit balang araw ang kanilang kaisa-isang anak na si Nate na ngayon pa lamang ay nagpapakita na ng senyales ng pagiging isang singer.

“Whatever profession ang pasukin ni Nate someday ay susuportahin namin ng husband (Ogie) ko.  We will always be here to support him,” pahayag ni Regine.

Kris pinasakit ang ulo ng Star Cinema

Mukhang masakit ang ulo ngayon ng Star Cine­ma sa pagba-back out ni Kris Aquino sa movie na pagtatambalan sana nila ni QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista, ang All You Need is Pag-ibig na nakatakda sanang idirek ni Antoinette Jadaone at isa sa mga kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Base sa post ni Kris sa kanyang Instagram account, nagpahiwatig ito ng mensahe na hindi na niya gagawin ang pelikula.

Inisip kaya ni Kris ang mga taong mawawalan ng trabaho sakaling tuluyan niyang talikuran ang pelikula at ang perwisyong kakaharapin ng Star Cinema sakaling hindi matuloy ang pelikula dahil sa mga alituntunin ng Metro Manila Film Festival?

While other MMFF movie entries ay halos nanga­ngalahati na ang principal photography, heto’t magsisimula na naman sa umpisa ang Star Cinema. Worse, baka mag-back out na lamang ang film outfit kung hindi na sila makakaabot sa deadline.

Sayang naman kapag nagkataon.

 

ACIRC

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

LEFT

NATE

NBSP

QUOT

SHY

STAR CINEMA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with