Aktres maingat na maingat sa pagpapahuli sa asawa na gumawa ng kahalayan
PIK: Ngayong buwan ay ilalabas na ang documentary film tungkol kay Rudy Fernandez na pinagtiyagaan nang husto na mabuo ng anak niyang si Ralph Fernandez.
Tuwang-tuwa si Lorna Tolentino sa panganay niyang anak na naisip gawan ng documentary film ang namayapang action star na isinulat at dinirek ng isang Australian director.
May tentative title na The Last Pinoy Action Hero, na kung saan nagbigay ng kuwento ang mga kilalang artista tungkol kay Kuya Rudy.
Balak nilang isali ito sa ilang international film festival.
PAK: Hanggang sa susunod na linggo pala ay hindi mapapanood si Alden Richards sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Kaya nalulungkot si Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Pagkatapos ng personal appearance ni Alden sa CamSur, sa totoo lang, sinasabi ni Alden na mami-miss na rin niya si Maine, dahil hinding-hindi raw niya makakalimutan ang mga masasayang moments nila sa kalyeserye.
Sa totoo lang, hindi na nga nakikipag-date si Alden sa ibang babae dahil sa rami na rin ng ginagawa niya. Kaya posibleng kay Maine na talaga siya ma-develop.
“Bakit po hindi?
“Naniniwala naman po ako na kapag may binigay sa ‘yong tao ang Diyos, kahit anong gawin mo kung para sa ‘yo talaga yun, sa ‘yo talaga ‘yun,” diretsong sagot ni Alden.
BOOM: Maingat na maingat si character actress na hindi mapabalita ang napipintong paghuli sa kanyang asawa.
Nakiusap siya sa aming huwag na lang isulat, pero hindi ko naman tinupad dahil sinulat ko pa rin na blind item nga lang.
Maselan ang kasong hinaharap ng kanyang asawa kung saan siya mismo ang nagdemanda.
Ayaw lang niyang mapag-usapan ito kaya kahit umuusad ang kaso ay walang nakaalam at maingat si aktres na hindi ito makarating sa media.
Walang nakaalam kung nasaan ngayon ang asawa ni character actress. Maaring nagtatago nga siya, pero naniniwala si aktres na mahuhuli rin ito.
- Latest