^

PSN Showbiz

Aktres na pinababayaan ng kanyang network, walang ginawa kundi umiyak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May mga gustong tumulong sa female ta­lent (FT) ng isang network para magkaroon na ng project dahil sayang ang talent, ganda ng mukha, at ang height nito. Hindi kasi napu-push masyado ng kanyang home network si FT sa hindi malamang kadahilanan.

Ang problema, may kontrata pa sa network na naka-discover sa kanya si FT at ‘pag tinulungan nila, baka idemanda sila ng network. Isa pang iniisip ng gustong tumulong kay FT ay ang tsikang nade-depress ito at iyak nang iyak dahil walang nangyayari sa kanyang career.

Kahit naman may isang show sa kanyang network si FT, hindi pa rin nakakatulong ito sa kanya at hindi siya napapansin dahil marami sila sa cast. Saka pang-lead star at pang-rom-com ang beauty ni FT. Sana sa genre na ito siya ilinya at pasikatin ng kanyang home network.

The last time na na-interview namin si FT, plano nitong mag-enroll sa isang specialty course para kung walang mangyari sa kanya sa showbiz, may trabaho siya at kikita.

Album launching ni Alden sigurado na ang pagdagsa ng fans

Parang maliit ang venue na napili ng GMA Records at Astroplus 1 para sa launching ng self-titled album ni Alden Richards. Pang-1000 seats lang ang Cinema 6 ng SM North EDSA.

Sa October 17 ang launching ng album na ang carrier single ay ang hit na Wish I May. May music video na ang single directed by Louie Ignacio na for sure, ipalalabas dito.

Matutuwa rin ang fans ni Alden at AlDub Nation fans nina Alden at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil kasama sa album ang songs na Thinking Out Loud at God Gave Me You na favorite i-dubsmash ng aktor sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Toxic ang schedule ni Alden ngayong October sa rami ng ginagawa at isama pa ang sunud-sunod na shows dito at sa ibang bansa. Bago lumipad sa Japan sa Oct. 9, may narinig pa kaming shows niya sa Camarines Sur at Zamboanga City.

Serye nina Biguel sawsaw sa AlDub?

May ilang fans sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang nagrereklamo sa bagong title ng Afternoon Prime ng dalawa. Mula sa Maybe This Time, ginawang Wish I May ang title ng soap na title ng hit song ni Alden Richards from his self-titled album.

Sabi ng isang fan na nagreklamo, si Alden ang makikinabang ‘pag nag-hit ang soap dahil song niya ito. Ayon naman sa isa, ‘pag tumutugtog ang theme song, si Alden o ang AlDub ang maiisip nila. May nag-aalala pang baka sabihan ang BiGuel na sumasakay sa kasikatan ni AlDen, kaya nakiusap sila kung puwedeng ibalik sa Maybe This Time ang title na hindi na yata puwede dahil malapit na ang pilot nito.

Pero may nakakaintindi rin naman sa ginawa ng GMA 7 at maganda raw dahil magtutulungan ang Kapuso artists.

May teaser na Jennylyn at Jericho nakauna sa MMFF

Ang bilis ng Quantum Films dahil sila ang mauuna sa MMFF entries na maglabas ng official teaser ng #WalangForever, ang pelikula nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado. Sa October 16 ang launch ng teaser sa social media, kaya abangan n’yo na ito.

Hindi naman siguro makakaapekto ang paglabas ng teaser sa showing ng The Prenup movie nina Jennylyn at Sam Milby under Regal Entertainment dahil Oct. 14 ang showing noon.

AFTERNOON PRIME

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BIANCA UMALI

CAMARINES SUR

DAHIL

MAYBE THIS TIME

NBSP

SA OCTOBER

WISH I MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with