^

PSN Showbiz

Kadiri… Aktor nagpabantay sa stylist habang umeebs!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hit na hit ang mall show ng Final 14 ng Starstruck 6 sa Robinson’s mall sa Malolos nung kamakalawa ng hapon.

Ilan sa mga tinilian nang husto at dumadami na ang fans club ay sina Migo Adecer, Jay Arcilla, Ayra Mariano, at Arra San Agustin.

Pero may ilang finalists na nagkakadebelopan na sa grupo at wala silang magawa dahil naka-focus sila sa contest.

Ang nakakatuwa lang, pati ang ilang natanggal na at hindi nakapasok sa Final 14 ay pumupunta pa rin sila sa ilang events ng Starstruck para makipag-bonding sa mga dating kasamahan na close na sa kanila.

PAK: Naloka ang stylist ng isang programa sa isang malaking TV network nang mag-guest ang isang guwapo at magaling na aktor.

Si stylist ang nagbihis kay aktor. Pagkatapos niyang bihisan ito ay nagpasama raw si aktor kay stylist sa CR.

Pagdating ng CR, ayaw niyang paalisin si stylist. Hindi alam ni stylist kung ano’ng trip ni guwapong aktor at bakit ayaw siyang palabasin ng CR.

Maya-maya, umupo si aktor sa inidoro, nagdumi. Lalabas na sana si stylist, pero ayaw siyang palabasin ni aktor. Huwag daw siyang iwan, samahan daw siya. Sa halip na matuwa, iritang-irita si stylist.

BOOM: Hindi inamin ni Paolo Contis na may relasyon na sila ni LJ Reyes. Pero base sa mga sagot nito, mukhang merong magandang pagtitinginang namamagitan sa kanilang dalawa.

“Okay lang. Mabuti na ‘yung ganito lang. Ayoko namang i-preempt ang mga bagay bagay.

“We’re happy in private,” pahayag ng Kapuso actor nang nakatsikahan namin sa opening ng Rejuvhair Herbal Solutions sa Greenhills nung kamakalawa ng hapon.

Ayaw na niyang idetalye pa kung ano talaga meron sila ni LJ, basta ang mahalaga masaya raw silang dalawa.

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ANG

ARRA SAN AGUSTIN

AYRA MARIANO

JAY ARCILLA

MIGO ADECER

PAOLO CONTIS

PERO

REJUVHAIR HERBAL SOLUTIONS

STYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with