Bagay na bagay kay Sophia Diego puwede nang pakawalang leading man
Puwede na talagang romantic leading man si Diego Loyzaga ngayon. Napakaganda ng pagtatambal nila ni Sophia Andres sa episode ng Maalaala Mo Kaya nung Sabado ng gabi at talagang marami ang kinilig sa kanya.
Nagsimula lamang talagang mapansin si Diego nang lumabas siya bilang bahagi ng love triangle nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore. Bago ito, nawala siya bilang ka-triangle nina Enrique at Julia Barretto sa launching serye ng dalaga. May mga pagkakataon nga sa Forevermore na naangatan niya si Enrique, hindi lamang sa aktingan kundi maging sa pangangatawan at talento.
Muli ka-triangle niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo. Sa Maalaala Mo Kaya, silang dalawa ng isa sa pinakamaganda at pinaka-promising na baguhan ng Kapamilya Network na si Sophia ang pinagtambal. Napaka-effective ng tambalan nila at ang ganda ng pinakahuling eksena na magkasama sila.
Kahit ang tambalan nina Tonton Gutierez at Agot Isidro ang highlight ng nasabing kuwento, hindi naman sila nagpakabog ni Sophia. Siguradong marami pang projects na darating kay Diego ngayong nakakapagpakitang gilas na siya.
Sharon naghinanakit, Noranian na dahil hindi kasama sa Iconic Women ng FAMAS
Wala namang kasalanan kung tutuusin si Gob. Vilma Santos sa hindi pagkilala kay Sharon Cuneta bilang isa sa mga Iconic Women of the Philippine Movies from the 50s to 2000 sa katatapos na FAMAS Awards Night. Maging ang gobernadora ay hindi rin naman napasama sa listahan. Pero kung ang Star For All Seasons ay dedma lang sa naging kaganapan, ang Megastar ay nagsabi ng kanyang hinaing sa hindi niya pagkakasama sa listahan. At ito ay ipinagtapat niya sa programang Tonight with Boy Abunda.
Binanggit na rin niya ang kanyang pasasalamat sa Superstar na si Nora Aunor na kasama sa listahan at idinamay na rin si Megastar at ang kanyang arch rival sa kanyang pagtanggap ng karangalan. Dahil dito ay biglang kambyo ang isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar na kinailangang mag-absent sa isa sa mga episode ng programa dahil sumama ang kanyang pakiramdam habang nagti-taping siya.
Pinalitan siya pansamantala nina voice teacher Annie Quintos at choreographer Georcelle Dapat na siyang gumagabay sa mga participant para makuha nila ang tamang pagkilos, boses, at paggalaw ng kanilang ginagaya.
Kaya nakapagtataka na sinasabi ng marami na dahil sa nangyari ay inilaglag na niya si Gob. Vi bilang idolo niya at isa na siyang Noranian ngayon.
Bakit naman Mega, ano naman ang kasalanan sa ‘yo ng gobernadora?
That Thing Called Tadhana at Buboy wagi sa Guam Int’L Filmfest
Wagi sa Guam International Film Festival ang That Thing Called Tadhana bilang Best Narrative Feature. Tampok sa pelikula sina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Si Buboy Villlar naman ang tumanggap ng pagkilala para sa Achievement in Acting para sa pelikulang Kid Kulafu kung saan ginampanann niya ang role ng batang Manny Pacquiao sa direksyon ni Paul Soriano. Congratulations sa kanila.
- Latest