^

PSN Showbiz

Felix Manalo binigyan ng tatlong world record ng Guinness!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nakakakilabot ang ginanap na premiere night ng pelikulang Felix Manalo kahapon sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

Jampacked ang Philippine Arena ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo at marami pang hindi nakapasok dahil isinara ang Arena nang magsimula na ang programa. Actually, marami ring nanood na hindi miyembro ng INC.

Binigyan ng importansiya ang mga artistang kasama sa pelikula dahil isa-isa silang lumakad sa red carpet at tinawag sa stage bago ang ginanap na premiere ng pelikula. Ayon kay Dennis Trillo, gumanap na Felix Manalo, nanginginig ang buo niyang katawan sa kanyang nakita.

Nagsilbi ring highlight ng programa ang pagdating ng Guinness World Records adjudicators. Habang sinusulat pa ang balitang ito ay ipinalalabas pa ang pelikula. After the premiere pa ang official confirmation ng tatlong world record na ipagkakaloob nila sa pelikula.

Nagsilbing host ng programa sina Richard G­utierrez and Isabelle Daza bago ang film showing.

Sa October 7, Miyerkules ang regular showing ng Felix Manalo na balitang santambak na ang nakapilang block screenings at hindi lang sa isang sinehan ito ipalalabas.

Ang Viva Films ang producer ng epic film at si Direk Joel Lamangan ang director. Mahigit 100 ang mga artistang kasali sa movie at more than 8,000 ang extra.

Kakandidato sa mataas na posisyon sa 2016, may iniindang sakit

True kayang may sakit ang isang kakandidato sa mataas na posisyon?

May kidney-related problem daw si Mr. Politician kaya medyo matamlay ito lately.

Marami na kasing nakakapansin na hindi na ito gaanong bubbly kumpara noon. Hindi na rin daw ito masyadong nagagalit.

At ayon nga sa isang nagkuwento, meron nga raw itong karamdaman pero ayaw na lang gawing big deal dahil baka mabigyan ng ibang kulay.

So wait natin kung sasabihin ni Mr. Politician ang kanyang health problem hanggang bago mag-election.

Filing of certificate of candidacy na at tiyak na ang pagkandidato nito.

ANG

ANG VIVA FILMS

DENNIS TRILLO

DIREK JOEL LAMANGAN

FELIX MANALO

GUINNESS WORLD RECORDS

ISABELLE DAZA

MR. POLITICIAN

PHILIPPINE ARENA

RICHARD G

SA OCTOBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with