^

PSN Showbiz

Playgirls dapat ding parusahan sa kalaswaan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang ang mga pulitiko na miyembro ng Liberal Party na dumalo sa isang birthday party sa Sta. Cruz, Laguna ang may pananagutan sa malaswang show ng Playgirls na diumano’t bitbit ni former MMDA Chairman Francis Tolentino.

May responsibilidad din ang tatlong miyembro ng Playgirls na malaswa ang pagsasayaw pero in denial at kiyeme-kiyemeng hindi bastos ang kanilang ginawa.

Nakakaawa ang mga magulang ng Playgirls dahil sa kahihiyan na ibinigay ng kanilang mga anak na feeling sikat na dahil sangkot sila sa kontrobersiya.

Base sa mga picture at video na nakita ko, kadiri talaga ang performance ng Playgirls. Kung makaranas man ng pambabastos ang grupo, sila rin ang dapat sisihin dahil sa kalaswaan na ipinakita nila.

Alden nakakaloka ang naranasan bago nakarating ng Cebu

Kaloka ang experience ng Alden Richards noong Biyernes. Nagmamadali siya na umalis sa Broadway studio ng Eat Bulaga para hindi ma-late sa kanyang flight papunta sa Cebu City para sa Kapuso Fans Day.

Suspended ang klase ng mga estudyante sa Metro Manila noong Biyernes dahil sa malakas na buhos ng ulan pero OA pa rin ang traffic situation.

Anyway, nakarating nang maluwalhati si Alden sa domestic airport at mas malaking problema ang naghihintay sa kanya, kanselado ang lahat ng flight ng airline na sasakyan niya dahil sa technical eklat.

Gumawa ng paraan ang GMA 7 na mapasakay si Alden sa ibang eroplano or else, madidismaya ang mga kababayan natin sa Cebu na waiting sa kanya at sabik na makita siya nang personal.

Leggings na negosyo ni Diana patok hanggang U.S.

Favorite ng pamangkin ko na U.S.-based ang BeAmazing leggings na negosyo ni Diana Zubiri.

Nag-overseas call pa mula sa Amerika ang pamangkin ko para sabihin na padalhan ko siya ng BeAmazing leggings dahil bukod sa komportable na isuot, mas maganda raw ang tela kesa sa isang mamahaling brand ng sportswear na nagsisimula sa letter N.

Gustung-gusto ng pamangkin ko ang BeAmazing leggings dahil nagagamit niya ito sa kanyang trabaho kaya may-I-order ako kay Diana ng sangkatutak na leggings na magaganda ang prints, design, at higit sa lahat, very affordable ang presyo.

Mga anak ng artista hindi nakalusot sa Top 14 ng SS6

May kanya-kanyang bet ang entertainment press nang humarap sa kanila noong Biyernes ang Ultimate Final 14 ng Starstruck Vl.

Tuwang-tuwa ang mga Starstruck finalist dahil nakaranas sila ng presscon sa unang pagkakataon pero hindi nawala ang kanilang kaba sa mga intriguing question ng mga reporter.

May mga anak ng artista na nag-join sa Starstruck VI pero lahat sila eh hindi nakalusot kaya better luck next time ang kanilang drama.

Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga naligwak sa Starstruck VI dahil ayon nga sa judge na si Joey de Leon, good example si Alden Richards na hindi napili sa Top 14 ng Starstruck V pero siya ang sikat na sikat ngayon.

I’m sure, walang kokontra sa opinyon ko na natalbugan na ni Alden ang winner at avengers ng Starstruck V. Nagdudumilat ang katotohanan ‘no!

Hindi nga nakalusot si Alden sa Starstruck V pero dumating sa kanya ang stardom sa tamang panahon at milya-milya na ang layo niya kay Steven Silva, ang Ultimate Male Survivor ng Starstruck V.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BIYERNES

CEBU

DAHIL

HINDI

MGA

NBSP

STARSTRUCK

STARSTRUCK V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with