^

PSN Showbiz

ABS-CBN Sports + Action at UAAP magkatuwang sa kauna-unahang UAAP fan weekend

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikatutuwa ng mga UAAP fans ang handog ng liga, katuwang ang broadcast partner nito na ABS-CBN Sports + Action, sa pagtaguyod ng pinakaunang UAAP Fan Weekend sa Pacific Drive, Mall of Asia Arena para sa dalawa sa mga pinakasikat na event nito. Sa Sabado (October 3), panoorin ang mga top cheerleaders ng bansa sa pagpapakita ng kanilang show school spirit sa pamama­gitan ng isang viewing party ng UAAP cheerdance competition at makisayaw naman sa tugtugan ng mga top DJs na sina Marc Marasigan at Kat DJ sa isang malupit na after-party mula 6PM hanggang 9PM. Sa Linggo (October 4) naman, maghaharap ang UP Maroons at Adamson Soaring Falcons bilang pam­pagana sa mainit na labanan ng magkaribal na Ateneo at La Salle sa main event UAAP basketball.

Tulad ng sa unang araw, maki-party kasama si Bea Valera at Kio Priest pag­katapos ng umaatikabong bakbakan sa hardcourt. Hindi lang yan, ang mga pupunta ay magkakaroon ng tsansa na makilala pa lalo ang kanilang mga idolong atleta sa UAAP tulad nina JR Gallarza ng UP Fighting Maroons, Car­mela Tuny ng UST Lady Tigers, Jose at Alfonso Montelibano ng DLSU football team, Shelley Gupilan ng NU Women’s Basketball team, at Mikko Maba­nag ng Ateneo football team.

Sina Nikko Ramos, Gretchen Ho, kasama ang  UAAP Upfront girls na sina Bea Daez at Natasha Alqu­iros ang magsisilbing host ng UAAP Fan Weekend.

ACIRC

ADAMSON SOARING FALCONS

ALFONSO MONTELIBANO

ANG

ATENEO

BEA DAEZ

BEA VALERA

FAN WEEKEND

FIGHTING MAROONS

GRETCHEN HO

KIO PRIEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with